Join the campaign (Learn More)

RMN News : Bongbong Marcos, nanguna sa SWS survey para sa pagkapangulo sa 2022 election

News & Interviews
16 November 2021

By RadyoMaN Manila | RMN News

Nanguna si dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa pagkapangulo sa 2022 election.

Ito ay matapos makakuha si Marcos ng 47% para maungusan si Vice President Leni Robredo na may 18%; Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso (13%), Senator Manny Pacquiao (9%) at sina Senator Panfilo “Ping” Lacson at Senator Ronald “Bato” dela Rosa na pawang nakakuha ng 5%.

3% naman sa mga sumagot ay wala pang napipili kung sino ang kanilang iboboto para sa eleksiyon.

Samantala, para naman sa pagkabise-presidente, nanguna si Senator Vicente “Tito” Sotto III na may 44%, sinundan nina; Davao City Mayor Sara Duterte (25%); Senator Francis “Kiko” Pangilinan at physician Willie Ong na pawang may 13% at BUHAY Partylist Rep. Lito Atienza na nakakuha ng 3%.

Sa pagkasenador naman, nanguna ang Broadcast journalist Raffy Tulfo para sa preferred senatorial candidate na nakakuha ng 60%; sinundan nina Sorsogon Gov. Francis Escudero (51%) at Taguig-Pateros 1st District Rep. Alan Peter Cayetano na nakakuha ng 50%.

Isinagawa ang survey nitong October 20 hanggang 23 kung saan aabot sa 1,200 respondents ang lumahok.