Join the campaign (Learn More)

RMN News : Bongbong Marcos at Sara Duterte tandem, opisyal nang kinumpirma ng dalawang kampo nito!

News & Interviews
17 November 2021

By RadyoMaN Manila | RMN News

Opisyal nang kinumpirma ni dating Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kanilang tandem para sa Eleksyon 2022.

Sa inilabas na pahayag ni Marcos kagabi, k  numpirma nito ang desisyon kung saan nagkasundo ang kanilang kampo ni Mayor Sara na ipagpatuloy at palawigin ang magagandang nasimulan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, sa video message din ay kinumpirma ni Mayor Sara ang pakikipag-alyansa kay Bongbong at nagpasalamat din sa kaniyang supporters.

Aniya, bagama’t hindi tinanggap ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban ang kaniyang apelang suporta ay naniniwala si Mayor Sara na walang maiiwan sa kaniyang laban at lahat ay mapoprotektahan.