RMN News : BBM, umapela sa publiko na magpabakuna

News & Interviews
16 September 2021

By RadyoMaN Manila | RMN News

Nanawagan si dating Senador Bongbong Marcos sa publiko na magpabakuna laban sa COVID-19.

Sa gitna ito ng nakaumang na pagpupunuan ng mga ospital na ngayon ay naka-high risk pa rin dahil sa 74% Intensive Care Unit (ICU) occupancy rate sa buong bansa at 78% naman sa Metro Manila.

Batay pa sa datos noong September 13, nasa high-risk din ang ward beds dahil 74% nito ang okupado na sa buong bansa, habang 72% ang okupado sa Metro Manila.

Kaya apela ni Marcos, magpabakuna na para maiwasang ma-ospital at upang maging dagdag-proteksyon sa pamilya.