Join the campaign (Learn More)

RMN News : BBM-Sara Uniteam nagsasagawa ng motorcade sa QC

News & Interviews
8 December 2021

By RadyoMaN Manila | RMN News

Nagsasagawa ngayong araw sina Presidential Aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at Vice Presidential Aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte ng motorcade sa Commonwealth at Quezon Avenue.

Dadaan ang motorcade sa Commonwealth Avenue patungong Quezon Avenue hanggang sa makarating sa Welcome Rotonda, ang boundary ng Quezon City at Maynila.

Ang event sa Quezon City ay binuo ng Malayang Quezon City tandem nina Mayoral Candidate Mike Defensor at running mate nitong si Councilor Winnie Castelo.

Umapela sina Defensor at Castelo sa kanilang mga supporter at iba pang lalahok sa caravan na sumunod sa minimum health protocol gaya ng pagsusuot ng face masks at physical distancing.

Bago ang motorcade, nauna nang magkakaroon ng meet-and-greet sa Eastbound Lane ng Commonwealth Avenue tapat ng Commission on Audit (COA) ang BBM-Sara UniTeam.