Join the campaign (Learn More)

RMN News : BBM-Sara UniTeam, mainit na sinalubong ng mga taga-suporta nito sa Valencia City, Bukidnon

News & Interviews
6 December 2021

By RadyoMaN Manila | RMN News

Mistulang isang rock star ang pagtanggap kina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong ” Marcos Jr. at vice presidential aspirant Sara Duterte kung saan libo-libong mga taga-suporta ng BBM-Sara UniTeam ang dumalo sa isinagawang rally kahapon ng umaga sa Valencia City.

Ayon kay Marcos, hindi nito sukat akalain ang napaka-init na pagsalubong ng kanyang mga taga-suporta kung saan kitang-kita umano sa lahat ng kanilang ginagawang unity ride kung saan lahat ng mga Pilipino ngayon ay nagiging isa na naman para ayusin ang mga problema ng ating bansa dahil nagkaisa ang solid north at solid south.

Nakiusap si Marcos sa kanyang mga taga-suporta na hindi lamang sa mga rally ang dapat mainit ang kanilang suporta kundi hanggang sa halalan kung sana inaasahan ng BBM-Sara UniTeam ang kanilang buong suporta.

Paliwanag ni Marcos ito umano ay isang mabigat na laban at isang mahirap na daanan na kanilang pupuntahan pero basta sila’y magkakaisa, ang akala nilang na mabigat na laban ay biglang magiging magaan at ang akala naman nilang mahirap ay biglang magiging madali lamang para sa kanila.