Join the campaign (Learn More)

RMN News : BBM nanguna sa survey ng dalawang pahayagan

News & Interviews
10 November 2021

By RadyoMaN Manila | RMN News

Nanguna sa magkahiwalay na survey ng dalawang pahayagan si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isinagawang survey ng Manila Times noong October 26 hanggang November 2, tinanong ang mga respondent kung sino ang iboboto nilang presidente kung ang halalan ay gagawin sa araw na idinaos ang survey.

68 percent ng mga respondent ang nagsabing si Marcos ang kanilang iboboto.

Sumunod kay Marcos si Vice President Leni Robredo (10.8%), Manila Mayor Isko Moreno (7.9%), Senator Manny Pacquiao (7.2%), Senator Ping Lacson (2.5%) at Senator Bato Dela Rosa (1.5%).

Nanguna si Marcos sa Luzon (60.8%), Visayas (64.4%) at sa Mindano (78.8%).

Samantala, nagsagawa din ng hiwalay na survey ang pahayagang Manila Bulletin.