Join the campaign (Learn More)

RMN News : BBM, namahagi ng malinis na tubig sa mga sinalanta ng nagdaang bagyong Odette sa Cebu

News & Interviews
11 January 2022

By RadyoMaN Manila | RMN News

Muling namahagi si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ng malinis na tubig sa Cebu na sinalanta ng Bagyong Odette.

Ayon kay Marcos, mahigit 35,000 litro ng malinis na tubig ang kanilang naipamahagi sa Lapu-Lapu City.

Patuloy naman aniya ang clearing operations ng kanilang mga supporter sa Siargao at Surigao.

Kasabay nito, pinuri ni Marcos ang kanilang mga supporters at nanawagan na ipagpatuloy lang ang bayanihang Pilipino!