Join the campaign (Learn More)

RMN News : BBM, hindi nakadalo sa preliminary conference sa Comelec matapos ma-expose sa staff na COVID positive

News & Interviews
7 January 2022

By RadyoMaN Manila | RMN News

Hindi nakadalo sa preliminary conference ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa kanyang 3 disqualification cases si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Hanna Barcena, naka-isolate ngayon si Marcos matapos na ma-expose sa kanyang chief security na nagpositibo sa COVID-19.

Kinumpirma rin ng isa pang abogado ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez na na-expose rin sa kanya si BBM.

Ayon kay Rodriguez, siya ay kasalukuyang naka-isolate rin dahil positibo siya sa COVID-19.