RMN News : Administrasyon ni President-elect Bongbong Marcos, magiging maayos ayon sa isang financial analyst

By RadyoMaN Manila | RMN News

Tiwala ang isang financial analyst na magiging maayos ang pamamalakad ng administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Professor Astro del Castillo, naniniwala siyang masosolusyunan ni Marcos ang napakalaking utang ng Pilipinas sa tulong ng itinalagang mga economic managers.

Giit pa ni Del Castillo, malaki naman ang tulong ng pagkakaroon ng malakas na pundasyon mula sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maipagpatuloy ang kasalukuyang reporma.