Join the campaign (Learn More)

RMN-APCORE SURVEY: 55% FOR MARCOS; ROBREDO, 13%; DOMAGOSO, 13%; PACQUIAO, 4%; LACSON, 3%

Press Releases
21 December 2021

RMN-APCORE SURVEY: 55% FOR MARCOS; ROBREDO, 13%; DOMAGOSO, 13%; PACQUIAO, 4%; LACSON, 3%

Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong” Marcos , Jr. continues to lord it over his rivals in the presidential derby as shown by the latest face-to-face survey conducted by Radio Mindanao Network (RMN)-APCORE.

In the survey that was conducted from November 23 to 29 on 2,400 respondents, at least 55% said their preferred choice was Marcos, while Leni Robredo and Manila Mayor Francisco Domagoso Moreno were tied at a distant 2nd and 3rd place with identical 13% votes.

Sen. Christopher ‘Bong’ Go, who dropped out from the race last week, received 8% votes, Sen. Manny Pacquiao, 4%, and Sen. Panfilo Lacson, 3%.

Lagging behind at seventh and eighth spots, respectively, were Ernesto Abella and Leodegario De Guzman, with a similar 0.17% votes, followed by Norberto Gonzales in ninth place with 0.08 %.

Former general Antonio Parlade did not receive any votes, while at least 4% are still undecided.

The latest RMN survey results reinforces the previous polls by other firms, SWS, Publicus, Kalye Survey, and DZRH, among others, showing Marcos pulling away from the pack of other presidential hopefuls five months towards the May 2022 elections.

Even if the results are clearly in his favor, Marcos said the BBM-Sara UniTeam will not be complacent and will continue to espouse a unifying leadership, which he said is the only way for the country to get back on its feet after the debilitating pandemic.

-30-

 FILIPINO VERSION

RMN-APCORE SURVEY:  55% PARA KAY MARCOS; ROBREDO, 13%; DOMAGOSO, 13%; PACQUIAO, 4%; LACSON, 3%

TULOY-tuloy sa pag-alagwa ang kandidatura ni Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., laban sa mga katunggali nang muli na namang manguna sa nakalipas na face-to-face survey na inilunsad ng Radio Mindanao Network (RMN)-APCORE.

Isinagawa ang survey noong Nobyembre 23-29, taong kasalukuyan.

Mula sa 2,400 respondents, mahigit sa kalahati nito ang bumoto kay Marcos na nakakuha ng 55 percent. Malayong nakasunod sa kanya sina Leni Robredo at Isko Moreno na kapwa may 13 percent votes.

Si Bong Go na pormal nang umatras sa kandidatura nitong nakalipas na linggo ay may eight percent votes; si Manny Pacquiao ay may four percent at ang panglimang si Ping Lacson ay may three percent.

Pang-pito at pang-walo naman ang iba pang presidential bets na sina Ernesto Abella, Leody de Guzman na parehong may 0.17 percent at may 0.08 percent naman si Norberto Gonzales na nasa ikasiyam na puwesto.

Walang nakuhang boto si Antonio Parlade, habang ang ‘undecided’ ay may four percent.

Kung ikukumpara sa mga nakalipas na resulta na isingawa ng mga prestihiyosong survey firms na SWS, Publicus, Kalye Survey at ang face to face survey ng DZRH Desisyon 2022, pinatunayan ng nagdaang RMN survey ang pananatili sa itaas bilang Top Contender ang kandidatura ni Marcos.

Bagaman pumapabor ang  lahat ng naglalabasang resulta, sinabi ni Marcos na ang BBM-Sara UniTeam ay hindi magpapakampante at sa halip ay patuloy nilang isusulong ang ‘unifying leadership’ na siyang magiging susi aniya upang maibangon ang bansa mula sa pagkakalugmok likha ng pandemya.

-30-