Remate Online : ‘WAG MUNANG MAGSAYA-ELECTION PROTEST NI BONGBONG MARCOS, HINDI PA TAPOS

News & Interviews
14 May 2021

By Johnny Magalona | Remate Online

INAPELA pa sa Korte Suprema, tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET), si dating Senador Bongbong Marcos na naglalayong mapawalang-bisa ang hatol ng PET sa kanyang election protest na kumukuwestiyon sa legalidad ng pagkapanalo ni Vice President Leni Robredo.

Kabilang po, mga pare ko, sa mga argumento na inihain ng dating senador sa pamamagitan ng legal counsel na si Atty. Vic Rodriguez, na nagkamali ang PET nang dismisin ang kanyang petisyon partikular ang third cause of action.

Nais ng batang Marcos na bawiin ng PET ang naturang desisyon na nagkait ng due process o tamang proseso ng batas sa kanya.

Samantalang nanindigan ang kampo ni Marcos na dapat ituwid ang nasabing desisyon na inilarawan niya na batbat ng pagkakamali.

Sa kanyang motion for reconsideration na inihain noong Lunes, Mayo 10, hiniling niya na payagan siyang maghain o magpakita ng mga ebidensya na nagpapatunay na nagkaroon ng malawakang dayaan o massive fraud, anomalya at iba pang iregularidad na nasasaad sa kanyang third cause of action na dahilan upang ipawalang-bisa ang resulta ng halalan sa tatlong lalawigan sa Mindanao gaya ng Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao.

Matatandaang sa unanimous vote ng PET, dinismis ang buong protesta ni Marcos laban kay VP Leni dahil sa kabiguan na matuklasan o makita ang mahahalagang ebidensya na nasa tatlong pilot provinces at sinabing hindi sapat ang form and substance ng election protest.

Sa kanyang mosyon, binigyang-pansin ni Marcos ang hiwalay na opinion ni dating Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta at incumbent Associate Justice Samuel Gaerlan na kapwa nagkaisa at nagsasaad na walang termino na kailangang ang annulment ng election results ay pahintulutan kung may buo o kumpletong resolution.

Pinaboran din ni CJ Peralta ang paningin o paniniwala ni Associate Justice Gaerlan na ang hinihinging remedyo ni Marcos ay hiwalay, naiiba at independiyenteng cause of action na hindi saklaw ng Rule 65 ng 2010 PET Rules sa pagdismis na limitado lamang sa manual recount ng mga balota.

Pinaliwanag ni Atty. Rodriguez, spokesperson ng dating senador na isinusulong ng kampo ng kanyang kliyente ang annulment ng election results at hindi ang dismissal ng manual recount para sa practical consideration at kawalan ng panahon lalo na at limang buwan na lamang buwan na lamang mula ngayon ay maghahain na ng certificate of candidacy ang mga kandidato.

Ipinupunto ni Atty. Rodriguez na dahil sa pagdismis sa naturang election case, pinagkaitan ng PET ng basic constitutional right si Marcos upang maiharap ang sarili sa korte kung saan siya ay mabibigyan ng pagkakataon na marinig at naipresenta and testimonial and documentary evidence na mahalagang-mahalaga sa kahilingan na mapawalang-bisa ang resulta ng halalan sa tatlong pilot provinces sa Mindanao.

Sa kanyang pleading binanggit ni Marcos na pinaboran siya ng Tribunal lalo na nang mag-rule ito na ang pagpapawalang-bisa ng resulta ng halalan ay hiwalay, naiiba at independienteng cause of action na dapat pinayagan na umusad na hiwalay sa manual recount at sa judicial revision ng mga balota.

Ipinunto pa ni Atty. Rodriguez na ang PET ay hindi dapat umiwas o humantong sa judicial evasion sa banal na tungkulin nito na gamitin ang judicial power na maresolba ang actual controversies na sangkot ang karapatan ng na legal na hinihingi at maaaring ipatupad at ideklara ang tunay na panalo bilang vice-president at alisin ang anomang bahid ng pagdududa sa tunay na pinili ng mga botante.

Sa paghahain ng motion, nais ng kampo ni Marcos na ituwid ng Tribunal ang malaking pagkakamali na nagawa nito, isantabi ang naunang ruling, idismis ang buong protesta at payagan ang annulment ng election results na magpatuloy na hiwalay sa manual recount bilang separate, distinct and independent cause of action