Join the campaign (Learn More)

Remate Online : Suporta ng isa pang Duterte, nakuha ni BBM

News & Interviews
3 December 2021

By Remate Online

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng suporta si Davao City Representative Paolo Duterte, anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa presidential bid ni dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Halaln 2022.

“From the start pa po BBM na ako,” Viber message ni Rep. Duterte sa GMA News.

Matatandaang nagkasa ng alyansa sina BBM at ate ni Pulong na si Davao City Mayor Sara Duterte para sa pagka-Pangulo at bise presidente.

Sa kabilang banda, nauna nang tinawag ni Pangulong Duterte si Marcos bilang “weak leader” at “spoiled child,” at hindi umano siya naniniwala sa kakayahan nito na pamunuan ang bansa.

Hindi naman ito pinatulan ng kampo ni Marcos at sinabing nirerespeto niya pa rin ang Pangulo.

Matatandaang si Senator Christopher “Bong” Go ang inendorso ng Pangulo sa pagtakbong presidente ng bansa sa 2022 pero kamakailan lang nang nagpahayag ito ng pag-atras. RNT