Remate Online : SI BBM ANG MAKAPAGPAPATULOY NG NASIMULAN NG AKING AMA-BASTE

4 February 2022

By Johnny Magalona | Remate Online

BUO ang tiwala ni Davao City Vice Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte sa kakayahan ni Partido Federal ng Pilipinas presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. bilang susunod na Pangulo ng Pi­lipinas.

Sa katatapos lang na Kudaraten Festival 2022 noong Sabado, January 29, humalili si Baste para sa kanyang ka­patid na si Davao City Mayor Sara Duterte at kanyang bu­ong tapang na inihayag ang kanyang suporta para sa tambalang BBM-SARA UniTeam.

Well,para sa batang Duterte o kay Baste, si Bongbong lang ang tanging tumatakbo sa pagka-Pangulo sa eleksyon sa Mayo ang may kakayahang ituloy ang magandang nasimulan ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Kaya nga si Mayor Inday ang gusto niyang Presidente ay si Bongbong Marcos because “Bongbong Marcos is the only way forward to continue this narrative,” ayon kay Baste.

Dagdag pa ni Baste, malaki ang tiwala niya kay Bongbong at sa nasimulan ng da­ting Pangulo na si Ferdinand Marcos, Sr. na napabayaan lang ng mga nakaraang administrasyon. Naniniwala si Baste na maitutuloy ni Bongbong ang magandang nasi­mulan ng ama na si PRRD para sa mas progresibong bansa.

“Ito kwento lang ‘to pero malaki talaga ang tiwala ko, tiwala talaga ako riyan because we can see remnants of the Marcos administration before, hindi lang natuloy. We all know that, kita nating lahat, if you want consistency na katulad nu’ng ginawa ni PRRD, then I cannot see any other candidate kundi si Bongbong Marcos lang talaga,” sabi ni Baste.

Tulad ng kanyang ama na si PRRD, may magandang vision si Marcos sa bansa at naniniwala siya na ginagawa niya ito hindi para sa personal na interes at sa iisang tao lang kundi para sa ikabubuti ng bawat Pilipino.

“Ambitious, but not for the individual, it is for the collective good of the country, iyon man talaga nakita natin,” ayon sa anak ng Pangulo.

Nagpapasalamat din si Baste sa mga residente at mga local government unit officials ng Sultan Kudarat sa mainit na pagtanggap sa kanya at lalong-lalo na sa kani­lang suporta sa pamumuno ng ama at maging sa tambalang BBM-Sara UniTeam.

“Maraming salamat for the warm welcome and for accepting my sister. Marami ring salamat sa pagtanggap ninyo sa aming pamilya rito. I’m very thankful sa inyo, sa inyong pinakita na suporta lalo na sa dinala na Presidente ng aking kapatid, si Bongbong Marcos. Sa inyong pinakita na suporta maraming salamat,” pangwakas na pahayag ni Baste.

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 0926671­9269 o i-email sa juandesabog­@yahoo.com o juandesabog48­@gmail.com