Join the campaign (Learn More)

Remate Online : SEMPLANG MAGING SA SARILING SURVEY

News & Interviews
12 January 2022

By Johnny Magalona | Remate Online

SA itinatakbo ng mga kaganapang may kinalaman sa 2022 presidential derby, hindi sapat ang salitang liyamado para ilarawan ang pambato ng Partido Federal ng Pilipinas, sa patuloy nitong pamamayagpag sa mga political surveys ng iba’t ibang mga grupo.

Ang totoo, pinilit baluktutin ng iba pang mga presidentiables ang pangunguna ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kaya naman sila mismo ay kumontrata at nagbayad ng iba pang grupong pwedeng magsagawa ng presidential survey sa hangaring sila naman ang bumida.

Posible ba yun?

Ang sagot mga kababayan ko, ay oo naman, lalo na’t kung ang mga respondents ay magmumula sa lokalidad kung saan sila nagmula o sa mga lugar na pinaniniwalaang balwarte nila.

E ang siste mga tsong,maging sa kanilang mga lugar, lumamang pa rin si Marcos sa iba pang puntirya ang Palasyo.

Bakittt…..

Sa National Capital Region (NCR) na ipinagmamalaking balwarte ni Isko Moreno, biruin ninyo namayagpag ng husto si Marcos. Gayundin sa Bicolandia kung saan nagmula si

Vice-President Leni Robredo.

Ang nakakatawa,tila kuntento na sina Leni at Isko na pumangalawa man lang sa kanilang mga sariling pa-survey batay sa mga social media post ng kanilang makinarya sa social media.

Ayon sa isang media operator ni Isko “statistically tied” (halos tumabla) ang kanilang pambato kay Marcos.

Pero ayon naman sa mga Kakampinks, magandang senyales ang pag-angat ni Robredo sa ikalawang pwesto.

Susmaryosep!

Paalala kay VP Robreo,hindi po beauty pageant ang halalan na walang second prize o pakunswelo man lang para sa mga runner-up dahil ang Palasyo ay para lamang sa isang Pangulo.

Alam ninyo bok, isa lang ang malinaw, milya-milya ang distansya ni Marcos sa mga kapwa aspirante sa posisyon ng Pangulo kahit pagsamahin pa ang nakuhang numero ng iba pang presidentiables ay hindi pa rin sasapat para itaob ang “Pambato” ng Ilocondia…..

Diba mga utol????

KAHIT MAY OMICRON VIRUS TULOY ANG PASUGALAN SA SOUTH

Kahit rumaragasa ang Omicron Virus ay patuloy naman rumaragasa sa pangongolekta ng lingguhang payola ang isang alyas Manuela sa Southern District ng Metro Manila dahil sa walng puknat na operation ng mga iligal na pasugalan sa nasabing districto.

Ang tanong bakit walang giagawang aksyon si Southern Police District PBGen.Jimili Macaraeg sa lantaran at hindi mapatigil na operasyon ng mga iligal na pasugalan na kinokolketahan ng isang alyas manuela.

O baka naman,malaki ang hatag ni Manuela kay Heneral..hehehehe…