Join the campaign (Learn More)

Remate Online : Sara sa pagpili kay BBM: May ‘long tenure’ bilang public official

News & Interviews
22 November 2021

By Remate Online

Manila, Philippines – Iginiit ni Davao City Mayor at vice presidential aspirant Sara Duterte na kaya niya piniling katandem si senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Halalan 2022 ay dahil sa matagal na karanasan nito sa public official.

“Bakit si Bongbong Marcos ang pinili kong partner? Unang-una, he’s a former governor. Walang puwedeng kumuwestyon sa kanyang experience as governor. Parang ako, mayor. Local chief executive. Pangalawa, may experience siya sa House of Representatives. Naging congressman siya,” saad ni Mayor Sara sa kanilang caravan sa Tagum City, Davao del Norte.

“Pangatlo, naging senador siya. Pinili ninyo, binoto ninyo. Naniniwala ako, and I confidently believe na ang kanyang experience: gobernador, congressman, senador — ito ang tutulong sa kanya para magampanan niya ang kanyang trabaho bilang Pangulo ng Pilipinas.”

Si Marcos Jr ay dating Ilocos Norte governor, Ilocos Norte representative at senador.

Maaalalang hindi pabor si Pangulong Duterte kay Marcos at tinawag pa itong mahinang leader.

“No,” Duterte said. “Because andiyan si Marcos, e. Hindi ako bilib . He is a weak leader. Totoo ‘yan, ‘di ako naninira. Kasi spoiled child, only son.”

“He is a weak leader, totoo ‘yan. I do not foist lies, masisira ka. Bantay kayo, [baka] magkamali ang Pilipinas,” dagdag pa nito. RNT/FGDC