Remate Online : SABWATANG SMARTMATIC AT COMELEC EXECS GARAPALAN

News & Interviews
21 May 2021

By Johnny Magalona | Remate Online

ALAM ninyo ba, mga kababayan, na naghain po ng reklamong administratibo ang Pivot International Inc. and Power Service Inc. Joint Venture o PSI Joint Venture laban sa end–user, chairman at mga kasapi ng Special Bids and Awards Committee (SBAC) at technical working group (TWG) ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa ‘krimeng’ nag-ugat sa kaduda-dudang umanong ikalawang bidding o subasta, ng “vote counting machines” (VCMs).

Take note, bayan, ang Vote Counting Machines (VCMs) ay gagamiting instrumento sa pagbibilang ng mga boto para sa halalang isasagawa sa Mayo 2022.

Ang balita ko nga ay naghain ang PSI Joint Venture ng “administrative complaint for grave misconduct, serious dishonesty and conduct prejudicial to the best interest of service” laban kina Jeannie Flororita (end–user), Allen Francis Abaya (SBAC chairman), John Rex Laudiangco (SBAC vice–chairman), mga kasapi ng SBAC na sina Jovencio Balinguit, Divina Blas Perez at Abigail Claire Carbero Llacuna dahil sa kanilang paglabag umano sa Seksyon 7 ng Republic Act 8436 na inamiyendahan ng R. A. 9369 ito ‘yung batas patungkol sa Automated Election System na nagsimula noong Mayo 11, 1998 hanggang nitong halalan.

Bagama’t kasama ang mga miyembro ng Technical Working Group (TWG) sa kaso, hindi na iniisa-isa pa ang kanilang mga pangalan.

Ayon kasi sa kompanyang nagreklamo, hawak nila ang mga ebidensyang nagpapakita at nagpapatunay na mayroong ginawang “collusion” sina Flororita, Abaya, Laudiangco, etc…na “directly involved in the procurement planning and bidding of the vote counting machines (VCMs) Refurbishment with Consumables 2nd bidding SBAC Ref. No. 012020VCRM.”

Napag-alaman pa na nakarating sa mga kinatawan ng PSI Joint Venture noong pa Marso 29 ng taong kasalukuyan ang mga ebidensya ng “collusion” ng mga opisyal ng Comelec.

Idiniin din ng PSI Joint Venture na maliban sa R.A. 9369, nilabag din nila maging ang Seksyon 3 ng R. A. 3019.

Ayon sa kompanya, ang lahat ng elemento ng korapsyon ay makikita sa naganap sa ginawang bidding ng end–user, chairman, vice–chairman at mga kasapi ng SBAC at mga miyembro ng TWG.

Anak ng tupa, lantaran na talaga ang ginagawang panloloko!!!

“They have acted with manifest partiality evident bad faith or gross inexcusable in the discharge of the duties as end – user/mplementing units and members of the SBAC,” pahayag ng nagreklamo.

Sila ay “guilty of giving a private party with unwarranted benefits, advantage or preference,” patuloy ng PSI Joint Venture.

Mahalaga sa PSI Joint Venture ang bidding dahil sa pamamagitan nito magsisimula ang patas na labanan ng mga pribadong kompanyang gustong makuha ang proyektong VCM ng Comelec kaya lumahok sila ritoooooo…..

Isinaad ng PSI Joint Venture sa dokumento ng reklamong administratibo nito noong Marso 5 ng taong kasalukuyan ay lumahok sa bidding ang PSI Joint Venture kung saan nanalo ang naturang kompanya dahil ang inihain nitong presyo ay siyang pinakamababa.

Dahil sa panalo otomatikong isinailalim ang PSI Joint Venture sa tinatawag po nating “post qualification evaluation” o testing ng secure digital cards (SD cards) alinsunod sa Revised Implementing Rules and Regulations (RIRR) ng RA 9184 o Government Procurement Reform Act.

Buo kasi ang tiwala at taas–noo ang PSI Joint Venture na magiging maayos, malinis at walang dayaang magaganap sa bidding ng VCM, kaya lumahok sila rito.

Tinukoy pa ng PSI Joint Venture na ang dalawang set ng Main at WORM SD Cards nito na hawak ng SBAC – AES ay isinalawang sa “formatting” sa computer ng SBAC – AES Technical Working Group.

Umaasa ang PSI Joint Venture na mapaparusahan ng matataaas na mga opisyal ng Comelec sina Flororita, Abaya, Laudiangco, Balinguit, Blas Perez at Carbero Llacuna at mga kasapi ng TWG batay sa nakasaad sa R.A. 8436 na inamyendahan ng R.A. 9369 at R.A. 3019.