Remate Online : Remulla sa suporta kay BBM: Cavite, ‘Marcos country’

12 February 2022

By Remate Online

Manila, Philippines – Inilarawan ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang kanyang nasasakupang probinsya bilang ‘Marcos country’.Ito ay matapos mangampanya ng kampo ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Cavite.

Kwento ng ng nasabing grupo, tiniyak ni Remulla na ang lahat ng opisyal sa Cavite ay naka-fully support sa kanya at ka-tandem nitong si vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

“Mr. President (Marcos) pinapangako na namin ang Cavite ay para sa inyo. Pinapangako na namin ang 800,000 plus votes dito sa Cavite para sa inyo. Pinapangako ko ang lahat ng suporta ng mga mayor ng Cavite sa inyo tandaan nyo, dito sa Cavite sagot na namin lahat,” ani Marcos base sa sinabi ni Remulla.

“Walang gagastusin ang BBM campaign dito sa Cavite, sagot na namin lahat ‘yan.” dagdag pa rito.

Bumisita naman si Marcos Jr. ngayon kahapon sa General Trias, Cavite at ngayon naman ay sa Silang, Cavite on Saturday. RNT/FGDC