Remate Online : PARTIDO FEDERAL PINALAKAS PARA SA 2022 ELECTIONS

News & Interviews
22 September 2021

By Johnny Magalona | Remate Online

PINATITIBAY at pinalalakas ngayon ang tatlong-taong political party na nag-ugat sa mga makasaysayang Federalist na sina Pedro Paterno at Trinidad Pardo de Tavera.
Paghahanda ito sa local and national election sa 2022.

Ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP), na binigyan ng akreditasyon ng Commission on Elections noong October 5, 2018, ay nagdaos ng national convention noong September 18.

Upang masunod nito ang palugit na ibinigay ng Comelec sa pagsasagawa ng party assembly sa naturang hybrid virtual convention, pinalakas ang liderato sa pamamagitan nang pagluluklok ng mga bagong pangalan habang pinanatili ang mga dating opisyal.

Naitalaga bilang PFP executive vice president at general campaign manager para sa 2022 national election si Atty. Victor D. Rodriguez.

Nanatili naman sa posisyon at nahalal sina South Cotabato Gov. Reynaldo S. Tamayo, bilang pangulo; retired Gen. Thompson C. Lantion, secretary general; Antonio C. Rodriguez, vice president for Luzon; at marami pang iba pa .

Hindi muna naghalal ng chairman ang Partido, na napagdisisyunan sa pamamagitan ng isang resolusyon na ireserba ang chairmanship ng PFP kay dating Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na inendorso rin ng lahat ng opisyal at miyembro bilang standard bearer o presidential candidate ng PFP sa May 9, 2022 elections.

Sa nasabing pagtitipon, inilatag ni General Counsel Briones ang kapakanan ng Partido gaya ng pagkakaroon ng 1.5 million na miyembro sa buong bansa. Ang 350 kandidato ng Partido na nanalo noong 2019 local and congressional polls at ang mga opisyal ng Partido ay walang record ng graft and corruption.

“Ipinagmamalaki ng PFP ang integridad nito…walang dungis o balakid na dinadala ang PFP,” sabi ni Briones.

Dagdag din ni Briones na may malakas na youth organizations ang PFP sa buong bansa kaya may kakayanan na makamit ang pangarap nito “para sa isang lipunan na ligtas sa bawal na droga, walang korapsyon, ligtas sa krimen, walang insurhensiya at hindi naghihirap.”

Sa kanyang talumpati, hinikayat ni Governor Tamayo ang mga miyembro ng Partido ba ipreserba o panatiliin ang prinsipyo ng Partido: Humanism, patriotic federalism, enlightened socialism and direct democracy, kasama na ang pagpapahalaga sa dignidad ng tao at pagkakapantay-pantay ng lahat ng Filipino.

Inihayag naman ni Lantion slogan ng Partido na “A life worthy of human dignity for every Pilipino.