Remate Online : ‘Negative campaigning’ ng simbahan, pinalagan ng kampo ni Marcos

6 March 2022

By Remate Online

MANILA, Philippines – Pinagsabihan ng kampo ni Presidential candidate Ferdinand Marcos Jr. ang mga miyembro ng Catholic clergy na tutol sa kandidatura ni Marcos, na hindi dapat sila maging partisan.

Sa isang pahayag, sinabi ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez na nalulungkot sila na may mga miyembro ng Simbahang Katoliko ang hinayaan ang mga sarili nila na maging ahente ng mapoot at negatibong pangangampanya.

“While presidential candidate Bongbong Marcos is calling for unity, we are saddened by the men and women of the Catholic [Church] who are doing the exact opposite and have abused the pulpit, allowing it to become a platform for hateful and negative campaigning,” giit ng abogado.

“As men and women of the cloth, they should be more circumspect, refrain from openly meddling with politics and stop making reckless imputation or statement that only serves as a spiritual, moral, social and cultural poison,” dagdag niya.

Kamakailan nang balaan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko laban sa anila’y “virus of lies” na ipinapakalat sa social media troll farms.

Binatikos ni CBCP president Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang itinuturing niyang “radical distortions” sa kasaysayan ng Martial Law at EDSA People Power.

Kaugnay naman ng halalan sa Mayo 9, nanawagan din ang CBCP sa publiko lalo na sa mga kabataan na suriing mabuti kung ano ang nangyayari sa paghahangad para sa isang tunay at makatarungang lipunan. RNT