Remate Online : Mga ‘bagong mukha’ mamumuno sa mga departamento sa Marcos admin – spox

By Remate Online

MANILA, Philippines- Walang magiging “holdover” na opisyal mula sa administrasyong Duterte kapag nanungkulan na si President-elect Ferdinand Marcos Jr. bilang Chief Executive sa Hunyo 30, ayon sa tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez nitong Biyernes ng gabi.

Pinabulaanan ni Rodriguez ang mga ulat na walang pagbabago sa departamento ng agriculture at transportation.

“The directive and the direction given by President-elect Bongbong, he wants to form his own administration. He wants to have his own government and he wants to run his own governance,” pahayag ni Rodriguez.

“Simply put e magkakaroon tayo ng mga bagong mukha na mamumuno sa lahat ng mga departamento ng ating gobyerno,” giit niya

Si Rodriguez ang itatalagang executive secretary sa incoming Marcos administration.

Siya rin ang pinuno ng transition team ni Marcos na nakikipag-ugnayan sa mga opisyal ni Pangulong Rodrigo Duterte. RNT/SA