Join the campaign (Learn More)

Remate Online : MEDICAL RESEARCH LABAN SA PANDEMYA PRAYORIDAD NI BBM

News & Interviews
9 November 2021

By Remate Online

NANINIWALA ang nangungunang presidential aspirant na si ex-Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na nararapat na mas malaking pondo ang ilaan ng bansa para sa pananaliksik o scientific research para sa higit na kahandaan sa mga medical emergency katulad ng pandemyang nararanasan ng Pilipinas.

Patunay nito, ani Marcos, standard-bearer ng Partido Fede­ral ng Pilipinas, ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na binuo o itinayo noon pang 1980s. Magpahanggang ngayon, kapansin-pansin ang kahalagahan nito dahil ito lamang ang tanging laboratoryo sa bansa na may kapasidad na makakuha ng mapagkakatiwalaang resulta ng COVID-19 tests noong unang mga buwan ng pandemya.

Sabi pa ni Marcos, ang kakulangan nito ng karampatang budget ang dahilan kaya maraming oportunidad ang napalampas ng RITM. Naging limitado ang papel nito na magplano at maglunsad ng research prog­rams ukol sa mga nakahahawang sakit at hanggang tropical diseases lamang.

“Yung Research Institute for Tropical Medicine ay bagay na bagay ngayon dito sa pag-aaral sa Covid. Kaya lang, sa lumipas na mga panahon, hindi na binibigyan ng karampatang importansya ang institute na ito…Sayang naman at maraming missed opportunities pero may pagkaka­taon pa tayo, alam na natin ang problema. Alam na natin kung saan tayo nagkulang. I-build up natin ‘yung facilities ng ating research institutions,” aniya.

Napakaimportante, kasi naman ‘di natin iniisip dahil wala naman noong Covid, wala namang pandemya. Ngayong may pandemya, pinaalala sa atin na kailangang gawin ang lahat ng ito,” pagdidiin pa ni Marcos.

Sinabi pa ni Marcos na mayroon din siyang nakikitang kaila­ngan na palakasin at ito ang National Institute of Molecular Biology and Biotechnology (BIOTECH) para, aniya, magkaroon ang bansa ng kakayahang gumawa ng sarili nitong bakuna.

“Dati gumagawa na tayo ng sarili nating flu vaccine, ginagawa sa UPLB (UP-Los Banos) at nakapagbabakuna ng 60 percent ng population. Kaya naman natin gawin pero kailangang patibayin at pagandahin ang sistema. Ang daming bagong teknolohiya na pwedeng i-take advantage,” wika ni Marcos.

Idinagdag pa ng dating gobernador ng llocos Norte na nauunawaan niya ang layunin at pagmantina ng mga pasilidad ng pananaliksik kaya pakay niyang dagdagan at pag-ibayuhin pa ang mga na ito upang maging kapaki-pakinabang laban sa pandemyang kinahaharap ngayon at sa darating pang panahon.

o0o

Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 0926­6719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]