Join the campaign (Learn More)

Remate Online : MEDICAL RESEARCH LABAN SA PANDEMYA, PRAYORIDAD NI BBM

News & Interviews
10 November 2021

By Remate Online

NANINIWALA ang nangungunang Presidential aspirant na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na nararapat na mas malaking pondo ang ilaan sa pananaliksik o scientific research para sa higit na kahandaan sa mga medical emergency katulad ngayong mayroong pandemyang nararanasan ang Pilipinas.

Patunay nito ani Marcos, standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas, na ang Research Institute for Tropical Medicine na binuo o itinayo pa noong 1980s at magpahanggang ngayon ay kapansin-pansin ang kahalagahan nito dahil ito lamang ang tanging laboratoryo sa bansa na may kapasidad makakuha ng mapagkakatiwalaang resulta ng COVID-19 tests noong unang mga buwan ng pandemya.

Sabi pa ni Marcos, ang kakulangan nito ng karampatang budget kaya maraming oportunidad ang napalampas para sa RITM dahil ito’y may limitadong papel na magplano at maglunsad ng research programs para sa mga nakahahawang sakit at tropical diseases lamang.

“Yung Research Institute for Tropical Medicine ay bagay na bagay ngayon ‘yan dito sa pag-aaral sa COVID. Pero kaya nga lang nung lumipas ang panahon, hindi na binibigyan ng karampatang importansya itong mga institute na ito,” ani Marcos.

Aniya, mayroon din siyang nakikitang kailangan na palakasin, ito ang National Institute of Molecular Biology and Biotechnology para aniya magkaroon ang bansa ng kakayahang gumawa ng sarili nitong bakuna.

“Dati gumagawa na tayo ng sarili nating flu vaccine, ginagawa sa UPLB (UP-Los Banos) at nakakapagbakuna ng 60 percent ng population. Kaya naman natin gawin pero kailangang patibayin at pagandahin ang sistema.

Ang daming bagong teknolohiya na pwedeng i-take advantage,” wika ni Marcos.

Idinagdag pa ng dating gobernador ng llocos Norte na nauunawaan niya ang layunin at pagmentina ng mga pasilidad ng pananaliksik kung kaya’t pakay niyang dagdagan at pag-ibayuhin pa ang mga pasilidad na mga ito upang maging kapaki-pakinabang laban sa pandemyang kinakaharap ngayon at sa iba pang panahon na darating.

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]