Join the campaign (Learn More)

Remate Online : Marcos nanawagan ng pagkakaisa vs ‘cancel culture’ mentality

News & Interviews
8 November 2021

By Remate Online

MANILA, Philippines – Nanawagan si presidential aspirant at Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ng pagkakaisa sa halip na ang ‘cancel culture’ mentality ang pairalin.

Ito ang sinabi niya sa pinakabagong BBM video blog kung saan sinabi niya na:

“Panahon na nga ng kampanya at sari-saring mga isyu ang naglalabasan pero bahagi na talaga ‘yun ng pamumulika. ‘Yung hIndi ko lang matanggap ‘yung nadadamay pa ang mga maliliit na negosyo at negosyante. Ang tinutukoy ko ‘yung tinatawag na cancel culture. Nakakarating sa akin ang mga balita na may binoboykot daw na kanilang mga restaurant, negosyo, barberya at hanapbuhay dahil sila ay aking supporter.”

“Nakakalungkot naman na ang mga ganitong bagay ay nangyayari sa gitna pa naman ng pandemya. Pare-pareho lang naman tayong umaahon at naghahanap ng paraan para buhayin ang ating mga pamilya sabay dadagdagan pa natin ng ganito,” dagdag pa niya.

Kasunod nito, idiniin ni Marcos na pinakamahalaga pa rin ang pagkakaisa upang sabay-sabay na bumangon ang bawat Filipino.

“Sa halip na magkansela, tayo ay magkaisa. Tulungan nating bumangon ang ating mga kapwa. Laging tandaan sa ating patuloy na pagkakaisa at malasakit sa kapwa, sama-sama tayong babangon muli.”

Inihayag rin ni Marcos ang impormasyon kung saan mayroong 4.25 milyon na unemployed Filipino nitong Setyembre ang nahihirapang makapasok sa micro, small, medium enterprises (MSMEs) dahil sa politika.

Hinangaan naman ng presidential aspirant ang inisyatibo ng mga taga-suporta nito na naglunsad umano ng positive campaign sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno, clean up drive at feeding programs.

“Hinahangaan ko po ang mga ideyang ito na angkop sa panahon at may malasakit sa kapwa at kapaligiran,” aniya. RNT