Join the campaign (Learn More)

Remate Online : MARCOS IBABALIK NG MGA PILIPINO SA MALAKANYANG

News & Interviews
5 November 2021

By Remate Online

NATATANDAAN ko pa noong taong Setyembre 22,1972 na ang edad ko ay 13 yrs old ng ideklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Proclamation No.1081 na naglalayon na isailalim sa Batas Militar ang buong bansa.

Alam ninyo ba mga kababayan,hanggang ngayon kaliwa’t kanan pa rin na pinagtatalunan kung may nagawa bang buti ang Martial Law sa mga kababayan natin o ito’y paglabag sa mga karapatang pantao.

Kung pag-uusapan din lang natin ang paglabag sa human rights, para sa akin noong mga panahon ni President Cory Aquino ay mas malala at mas madugo ang nangyaring Mendiola Massacre na kung saan maraming namatay at nasugatan na magsasaka nang buwagin ng mga militar ang rally ng mga kaawa-awang magsasaka ng Hacienda Luisita nang sumugod ang mga ito sa paanan ng Mediola para hilingin na noo’y Presidente Cory na mapasakanila ang lupang sinasaka.

Ang masakit nito, maraming kaawa-awang magsasaka ng Hacienda Luisita ang nagbuwis ng buhay sa kapirasong lupang sakahan na ipinagkait ng mga Aquino sa halos ilang dekada na ang lumipas hanggang sa nakamatayan na nang mag-inang Aquino ang lupang dapat sana’y pag-aari ng mga kawawang magsasaka sa Hacienda.

Habang nagpapatuloy naman ang ginagawang pagtuligsa ng mga dilawan sa pamilyang Marcos, napananatili ni dating Sen. Bongbong Marcos ang napakataas na rating nito na senyales na gusto siya ng sambayanang Pilipino na maging Pangulo ng Pilipinas.

Sa totoo lang kahit bali-baligtarin natin ang rating, palaging nasa-Top-2 o 3 si BBM na madalas ay nangunguna pa samantala ang mga katunggali niya ay hirap na habulin siya gaya ni Mayor Isko Moreno at Davao City Mayor Sara Duterte na bantulot kung tatakbo o susuportahan si BBM.

Ang matindi pa rito kahit kabi-kabila ang pag-atake ng mga katunggali ni BBM sa kanya at sa kanyang pamilya ay nakapagtatatakang lalong lumalakas at dumarami ang mga sumusuporta sa kanyang kandidatura.

Ang nakabibilib pa kay BBM, napaka-low profile niya simula’t sapol ay hindi siya nakitaan o naringgan man lang na nanira siya sa kanyang mga makakatunggali sa pulitika gaya ni Leni Lugaw bagkus malumanay na sinasagot ni BBM ang mga ipinupukol na alegasyon sa kanilang pamilya.

Anomang puna o reklamo, i-text lamang po sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]