Remate Online : Malaking tapyas sa Comelec budget, malaki rin ang epekto sa 2022 elections – spox

News & Interviews
25 August 2021

By Remate Online

MANILA, Philippines – Malaki ang magiging epekto sa eleksyon sa susunod na taon ang malaking tapyas sa pondo ng Commission on Elections (Comelec), ayon kay spokesperson James Jimenez.

“The DBM’s deep cut into the Comelec’s proposed budget will significantly impact how the Comelec will conduct the 2022 National and Local Elections,” giit ni Jimenez sa isang pahayag.

Humiling ng P41.992 bilyon ang Comelec ngunit P26.497 bilyon lamang ang isinumite ng Department of Budget and Management.

Aniya, nirerebyu na ng komisyon ang badyet upang matukoy magiging adjustments bunsod ng pagbaba ng pondo.

“The Comelec assures the public, however, that it will continue to advocate for its budget in order to ensure that the 2022 National Elections will be honest, credible, orderly, peaceful, and safe,” paniniguro nito.

Una nang inihirit ng ilang grupo ang taas-pondo ng Comelec upang maging virus-proof ang eleksyon sa 2022. RNT/ELM