Remate Online : KALYE SURVEY: BBM BANDERA SA PINOYS SA AMERIKA AT CANADA

2 March 2022

By Johnny Magalona | Remate Online

GOOD News sa ating mga kababayan.

Kahit ang mga Pinoy na nakabase sa Amerika at Canada, solido ring nakasuporta kay Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., base sa kinalap na Kalye Survey roon.

E sa datos ng Pulso ng Pilipinas, nakakuha si Marcos ng 56.18% 250 boto mula sa 445 respondents sa kontinente ng North America.

Nakalap ang datos sa ‘real time, real man on the street survey,’ noong Oktubre 2021-Enero 31, 2022, ayon sa SPLAT Communications.

Malayong pangalawa si Isko Moreno sa 61 boto o 13.71%; Leni Robredo – 56 boto o 12.58%; Manny Pacquiao – 16 boto o 3.6%; Ping Lacson – 4 boto o .90%; at undecides – 13.03%.

Katuwang naman ng SPLAT Communications ang information at statistical data consulting firm na Simplified Strategic Solutions (SSS) sa pagtaya ng mga datos na nalikom ng Kalye Survey.

Sinabi ng SPLAT na pati mga analyst nito ay namangha sa nakuhang boto ni Marcos na nagsabing karaniwang ang mga Pinoy sa North America, karamihan sa mga impormasyong nakukuha nila patungkol sa nalalapit na May 9, 2022 national elections ay mula mismo sa mga mainstream media ng Pilipinas.

“We have always perceived their sentiments to be anti-Marcos and anti-Duterte. But we were proven wrong. This only means one thing – the BBM avalanche is real and it is global,” Sabi ng SPLAT.

Sa Amerika naman, si Marcos pa rin ang sinusuportahan ng mga Pinoy. Mula sa 412 respondents, 221 boto ang kay Marcos o 53.64%; Moreno – 60 boto o 14.56%; Robredo – 54 boto o 13.11%; Pacquiao – 16 boto o 3.88%; Lacson – may 3.7%;p at ang undecided – 14.08%.

Isinagawa ang Kalye Survey sa West Coast sa Los Angeles at San Francisco sa California.

Sa Canada, mula sa 35 respondents, may 29 boto si Marcos; Leni – 3; Isko – 2; Lacson – 1; Pacquaio – 0.

Sa Ontario, Canada, malakas talaga ang BBM-SARA, ayon sa SPLAT.