Remate Online : KAHIT WALANG POSISYON, BONGBONG TODO TULONG

News & Interviews
16 July 2021

By Johnny Magalona | Remate Online

Kahit wala sa posisyon, hindi na siya Senador, kahit pinagkaitan siya na maging Pangalawang Pangulo ng bansa, hanggang ngayon ay hindi nagsasawa at tumitigil sa paglilingkod sa publiko ang dating Senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Noong Hulyo 12, personal na binisita ni Marcos o BBM ang mga bayan sa Batangas nang tahimik dahil ang layon lamang niya ay magbigay ng tulong sa mga residente na lubhang naapektuhan nang pagsabog ng Bulkang Taal.

Kung matandaan natin 1,500 katao sa Batangas ang nasa evacuation sites dahil nagsimula na namang mag-alburoto ang bulkan nitong July 1.

Nakita mismo ni Bongbong Marcos ang kaawa-awang mga residente ng Talisay, Laurel at Agoncillo na kasama na rin sa nagsilikas sa evacuation center.

Pinangunahan mismo ni BBM ang pamamahagi ng 3,000 sako ng bigas, 500 karton ng surgical masks,3,000 pares ng tsinelas, 4,000 karto ng vitamins at 500 botelya ng coconut water sa mga residente sa apektadong bayan.

Ang nakatutuwa po rito, naging matagumpay ang ginawang pamamahagi ni BBM ng relief goods sa pakikiisa ng officials at frontliners ng Talisay, Laurel at Agoncillo, gayundin ang iba’t ibang grupo mula sa pribadong sektor at ang tanggapan ni Governor DoDo Mandanas sa pamamagitan ng chief of staff nito na si Atty. Genaro Cabral.

E yung iba nga riyan, napakatagal na nagpasasa sa kanyang posisyon pero ni hindi man lamang nakidalamhati sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal dahil maaga pa lang ay pangangampanya sa mga tao ang inaatupag.

Pangangampanya na puro kasiraan ang mga pinagsasabi laban sa iba at ipinangangalandakan ang mga sarili nasila lang ang magaling sa mata ng mamamayan.

Pero iba itong si BBM.

Binigyang-linaw niya ang pagtulong sa publiko na hindi magtatapos sa lalawigan ng Batangas kasabay ng paglulunsad niya ng “#Batangas, Magiting, Handa, Maingat, Magiting #HugasIwasMask.

O ano pa, may masasabi pa ba kayo????

Wala na o e ano kayo ngayon, nganga!