Join the campaign (Learn More)

Remate Online : DQ cases vs Marcos Jr. tinawag na ‘pathetic stunts’ — kampo

News & Interviews
8 December 2021

By Remate Online

MANILA, Philippines – Tinawag ng kampo ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na “pathetic stunts” ang isa pang disqualification petitions na isinampa laban sa kanya.

Sinabi ni Lawyer Vic Rodriguez, ang chief-of-staff at spokesman ni Marcos Jr., na dapat hindi tanggalan ng karapatan na makapamili ng lider ng bansa ang taumbayan.

Hinikayat niya ring tigilan na ang pagmamaliit sa “intelligence of the Filipino people.”

Ang komento ni Rodriguez ay patungkol sa Ilocano group, Pudno Nga Ilocano, na nagsampa sa Commission on Elections (Comelec) na ikawalong petisyon laban kay Marcos at ika-apat din na disqualification petition.

“While we maintain that these petitions are nothing but nuisance cases, we urge those who are behind these pathetic stunts to please respect the Filipino people and their democratic right to decide for themselves and their collective future,” ani Rodriguez.

“Election are won and settled on election day and not through the filing of nuisance petitions,” dagdag pa sa pahayag.

Giit naman ng kampo ni Marcos na lahat ng petisyon laban sa presidential aspirant ay inaaksyunan na nila. RNT