Remate Online : ‘Di baleng ‘di una sa Google, Twitter, basta BBM una sa mga Pinoy – spox

15 March 2022

By Remate Online

MANILA, Philippines – Nagpasalamat ang kampo ni presidential candidate Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino matapos muling manguna ang dating senador sa presidential preference survey ng Pulse Asia noong Pebrero.

“We again thank the Filipino people for their unwavering trust in the leadership capabilities and competence of presidential frontrunner Bongbong Marcos to lead us through this most challenging period of our history,” ani Vic Rodriguez, ang tagapagsalita ni Bongbong sa isang pahayag.

Ayon kay Rodriguez, ang resulta ng survey ng Pulse Asia ay “again debunked the fake narrative being forced by some small segment of our society on the current sentiments and vote preference of us, Filipinos.”

“While some of them may claim that they are winning in ‘Twitter’ and ‘Google’ searches, frontrunner Bongbong Marcos is winning the battle with the Filipino people,” sabi pa ni Rodriguez.

Napanatili ni Marcos ang kanyang malaking pangunguna sa mga kapwa kandidato sa pagkapangulo sa mga botohan bago ang halalan, na nakakuha ng 60% para sa ikalawang sunod na survey ng Pulse Asia na inilabas noong Lunes.

Ang poll, na isinagawa mula Pebrero 18 hanggang 23, ay nagpakita kay Bise Presidente Leni Robredo na malayong pangalawa na may 15%, na sinundan ni Manila Mayor Isko Moreno na may 10%.

Si Senador Manny Pacquiao ay pumang-apat s puwesto na may 8%, na sinundan ni Senador Panfilo Lacson na may 2%.

Ang iba pang mga kandidato sa pagkapangulo na sina Faisal Mangondato, Leody de Guzman, Jose Montemayor, Jr., Ernesto Abella at Norberto Gonzales ay nakakuha ng 0.4% o mas mababa.

Apat na porsyento ng mga respondente ang hindi nakapagpasya. RNT