Join the campaign (Learn More)

Remate Online : Cebu, future dev’t hub sa Pinas – Bongbong

News & Interviews
31 October 2021

By Remate Online

MANILA, Philippines- Sinabi ni dating Senador at kandidato sa pagka-Presidente sa eleksyon sa Mayo 2022, Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Cebuano na ang malalaking urban hubs kagaya ng Cebu City ang magiging center of development sa hinaharap.

“I think we can always count on Cebu City [to being] a hub of economic development,” pahayag ni Marcos.

Ayon sa standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas, mayroon siyang plano para sa probinsya ng Cebu na gawin itong sentro ng komersyo sa rehiyon ng Visayas.

Kung sakaling mahahalal siya sa susunod na eleksyon, determinado umano siyang ituloy ang pagpapaunlad na sinimulan ng kanyang ama, ang dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., kung saan inalala niya ang paggawa sa Mactan Export Processing Zone, isa sa may malaking bahagi sa pag-unlad ng ekonomiya ng Cebu hanggang sa kasalukuyan.

“The big urban hubs will be the centers of development in the future, so Cebu being so prominent will certainly be a major part of that. It’s important that Cebu is part of the plans because it has always had an entrepreneurial tradition. Cebu has a strong entrepreneurial spirit that we can take advantage of in making better deals with the public and private sectors,” dagdag niya.

Iginiit ng nakababatang Marcos na malaki ang papel na gagampanan ng Cebu sa pagbangon ng ekonomiya mula sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Nanawagan naman siya sa pakikiisa ng local government units (LGUs) sa pagharap sa ilang problema ng lugar gaya ng traffic, imprastraktura, power at ang pandemya.

“We will have to work with LGUs (local government units) to see what it is they plan to do when the time comes,” pahayag niya.

Sinigurado naman ni Marcos sa mga Cebuano na gagawin ang lahat ng makakaya para sa kanila.

“I will serve the country at may kasabihan na ‘pag tumaas ang tubig, lahat ng barko tumataas din. Pataasin natin ang Pilipinas, at isa sa unang lungsod sa Pilipinas na aangat ay ang Cebu,” pangako ni Marcos. RNT/SA