Join the campaign (Learn More)

Remate Online : Bongbong walang tax evasion case- BBM spox

News & Interviews
4 November 2021

By Remate Online

MANILA, Philippines- Iginiit ng abogadong si Vic Rodriguez, tagapagsalita ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkaiba ang hindi paghahain ng income tax returns at tax evasion, nitong Huwebes.

Ipinaliwanag ito ni Rodriguez sa panayam sa CNN-Philippines at sinabing propaganda lamang ng mga “yellow wannabe political assassins” ang mga ibinabato laban kay Marcos.

“Alam mo propaganda ito ng mga yellow wannabe political assassins…Walang tax evasion na kaso si presidential aspirant Bongbong Marcos. ‘Yung kaso po na yan ay simply non-filing of ITR,” pahayag ni Rodriguez.

“Maling-mali na siya ay tax evader. Ang naging hatol lang ay hindi nakapagbayad ng income tax return,” dagdag pa niya.

Ayon kay Rodriguez, nakaupo nang gobernador ng Ilocos Norte si Marcos magmula 1982 hanggang 1985 kung kaya isinumite dapat ng kapitolyo ang buwis ni Marcos nang panahong iyon.

“Kung 1985 yan ay tingin ko s’ya ay governor…May nangangasiwa sa kapitolyo na dapat mag-file niyan…basta ang usapin lang dito, walang conviction for tax evasion, only for the non-filing of ITR, because the non-filing, puwede ka i-penalize at nauwi lang ito sa pagbabayad ng penalty,” giit niya.

Dagdag pa niya, istorbo lamang ang petisyong ito laban kay Marcos at dinagdag pang ginagamit ang Commission on Elections bilang plataporma sa pagpapakalat ng propaganda.

“Walang sinasabing moral turpitude. This is, by any stretch of imagination ay napakahinang kaso,” ani Rodriguez.

“At naawa kami sa Comelec sapagkat binubuhusan nila ng kanilang propaganda, ginagawa nilang platform to use Comelec as their propaganda venue. Launchpad ng propaganda,” dagdag niya.

Nanindigan naman si Rodriguez na matagal nang nalitis at nasagot ang nasabing tax case laban kay Marcos. RNT/SA