Join the campaign (Learn More)

Remate Online : Bongbong naka-isolate matapos may makasalumuhang positibo sa COVID

News & Interviews
7 January 2022

By Remate Online

MANILA, Philippines- Nakasailalim ngayon si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isolation matapos makasalamuha ang dalawang indibidwal na positibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang inihayag ng abogadong si Vic Rodriguez, spokesman ni Marcos Jr., nitong Biyernes, at sinabing isa sa mga nakasalumuha ni Marcos Jr. na positibo pala sa virus ay ang kanyang chief security, at kasalukuyang nasa isang quarantine facility.

Kinumpirma ito ni Rodriguez matapos hindi sumipot ng presidential aspirant sa preliminary conference ng Commission on Elections (Comelec) sa disqualification case laban sa kanya. RNT/SA