Join the campaign (Learn More)

Remate Online : Bongbong Marcos, Sara Duterte tandem sa Halalan 2022 kumpirmado na

News & Interviews
17 November 2021

By Remate Online

MANILA, Philippines – Kinumpirma na nina dating Senator Ferdinand Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte ang kanilang pagsasanib-pwersa bilang presidential at vice presidential candidates sa Halalan 2022.

Martes ng gabi nang hiniling ni Sara sa publiko na suportahan si Marcos Jr., sa pagka-Pangulo.

Pagkatapos nito ay naglabas na ng pahayag si BBM ukol sa pagsasapinal ng kanilang tandem ni Sara.

“Naitawid na namin ni Mayor Inday Sara Duterte ang proseso para sa tambalang inaasam-asam ng aming mga taga suporta–ang BBM-Sara sa 2022,” ani Marcos, na tumatakbo sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas.

“At napagkasunduan namin at ng aming mga partido ang pagsusulong ng mapagkaisang liderato sakaling kami ay palarin sa darating na halalan sa Mayo 9, 2022,” dagdag pa niya.

Si Sara naman ay tumatakbo sa ilalim ng Lakas CMD.

“Ang aking partido ay nakipag-alyansa at humingi ng suporta para kay Bongbong Marcos at para sa akin matapos kong tanggapin ang inyong hamon at panawagan,” ani Sara sa video message na inilabas niya, Martes ng gabi.

Sinabi naman ni Lakas CMD president House Majority Leader Martin Romualdez na suportado nila si BBM. RNT