Remate Online : Bongbong Marcos ipinasisilip sa PET ang Mindanao voter documents

News & Interviews
26 March 2019

By Remate Online

Manila, Philippines – Hiniling ni dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Korte Suprema na resolbahin na ang una nitong mosyon para sa technical examination ng mga dokumento ng mga botante sa Mindanao.

Sa isinumiteng mosyon ng abogado ni Marcos na si Atty. George Garcia, muli nitong itinuloy ang alegasyon kaugnay sa umano’y “massive substituted voting” noong 2016 election sa Maguindanao, Lanao del Sur, at Basilan.

Dahil dito, hiniling nila sa Presidential Electoral Tribunal o PET na pag-aralan ang Voter’s Registration Records mula sa 608 voting precincts sa tatlong probinsiya.

Pinaiimbestigahan din ang Board of Elections na nanilbihan noon sa 3 probinsiya at ipinaeeksamin ang mga pirma at thumbprints mula sa VRRs at Election Day Computerized Voters List (EDCVL). (Remate News Team)