Remate Online - BONGBONG M. ANG SUSUNOD NA PRESIDENTE

News & Interviews
23 January 2021

By Johnny Magalona | Remate Online

MAY mga tao ngayon na natatakot na makabalik muli ang mga Marcos sa Malakanyang at gagawin nila ang lahat para hadlangan ang kandidatura ni Bongbong Marcos para sirain ang kanyang imahe at ang kanyang pamilya sa publiko.

Walang tigil ang ginagawang paninira ng mga maka-dilawan at iba pang mga kapanalig ng mga ito para hadlangan ang pagbabalik ng Marcoses sa pagpapatuloy ng serbisyong sinimulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay Bongbong Marcos, hindi mahalaga sa kanila kung anoman ang iniisip ng ibang mga tao sa kanyang muling pagtakbo sa national election dahil hindi naman niya hinahabol lang ang makabalik sila sa poder kundi ang makapagserbiyo siya para sa bansa.

Kaya kung anoman ang iniisip ng mga tao sa kanya ay hindi ‘yun ang isyu kundi ang magagawa niya para maayos at mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayang Filipino.

Nandiyan ngayon ang walang habas nilang ginagawang paninira sa nakalipas na 35 taon na nagpapakita na talagang may malalim na dahilan ang mga ito.

Ang tanong: Bakit kailangan pa nilang gawin ang malawakang paninira at masidhing pagbe-brainwash sa mga Filipino para lang hadlangan ang magagandang plano na gagawin ng mga Marcos sa ating lupang sinilangan?

Matatandaan na ang Liberal Party sa Pilipinas at Democratic Party sa Amerika ay parehong galamay ng mga elitistang kumokontrol sa Central Bank System at sila rin ang komokontrol ng mga mainstream media.

Ang grupo ring ito ang siyang tinutukoy ni Madam Imelda Marcos na may power force na humahadlang para hindi maibahagi ang World for Humanity na pondo sinet-up ni Marcos sa World Bank.

Pero lingid pa rin sa kaalaman ng karamihan na ang Federal Reserve na walang tigil na nag-iimprenta ng mga dolyar na ipinauutang sa mga bansa ay hindi pag-aari ng Amerika kundi ito pag-aari ng ilang elitistang pamilya.

Kaya ito ang dahilan ng pag-ayaw nila sa mga patriot leader tulad nila Quezon, Magsaysay, Ferdinand Marcos, Rodrigo Duterte, Lincoln, Kennedy, Husein, Kadafy, Putin at marami pang ibang leader.

Kasi ang mga ganitong leader ay malaking hadlang sa kanilang planong itayo ang New World Order na para lang sa kanila.

Si Marcos ay isang malaking hadlang para sa kanila kaya gagawin lahat g kanilang galamay tulad ng mga mainstream media, Hollywood, Vatican, Big Pharma, Liberal Party at iba pang saklaw ng mga committee of 300 para lang masira siya.

Plano kasi ni Pangulong Marcos sa Pilipinas noon na maging isang higanteng bansa!

ABANGAN!!!