Join the campaign (Learn More)

Remate Online : Bongbong-Inday Sara caravan nagdulot ng trapik sa QC; kampo nag-sorry

News & Interviews
8 December 2021

By Frenchlyn Del Corro | Remate Online

Manila, Philippines — Nagpaliwanag ang kampo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanilang dinulot na mabigat na trapiko sa isinagawang motorcade sa Quezon City kasama ang kanyang running mate na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio.

Anila, nais lamang ng kanilang mga supporter na magkaisa at makita ang kanilang mga pambato sa halalan.

Samantala, kasabay nito ay nagbabala rin ang Quezon City na iwasan ng motorista ang ilang ruta upang hindi maipit sa trapiko.

“Due to the ongoing political motorcade along Commonwealth Avenue, Elliptical Road, and Quezon Avenue, all motorists bound for the said major thoroughfares are advised to take alternate routes.”

“For those already on these roads, please take the nearest available road or U-Turn slot to exit and avoid the heavy traffic congestion,” dagdag pa rito. RNT/FGDC