Join the campaign (Learn More)

Remate Online : BBM pormal nang kinonsiderang presidential candidate ng Lakas-CMD

News & Interviews
24 November 2021

By Remate Online

MANILA, Philippines – Nagpasa na ng resolusyon ang Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) party, Miyerkoles, na nagdedeklarang si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang kanilang adopted presidential candidate para sa 2022 national elections.

Sa hiwalay na resolusyon, kinumpirma rin ng partido na si Davao City Mayor Sara Duterte, ang party chairperson, ang kanilang magiging vice presidential candidate.

Nagpasa rin ng resolusyon ang partido na nag-ootorisa sa presidente ng partido, House Majority Leader and Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez na pumasok sa pakikipag-alyansa sa iba pang mga partido.

Ang tatlong mga resolusyon ay pirmado nina Duterte, Lakas-CMD co-chairperson and Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., Romualdez, at iba pang Execom members.

“Resolved as it is hereby resolved, that Mayor Sara Zimmerman Duterte shall be the official candidate and standard bearer of Lakas-CMD for vice president in the 09 May 22 national and local elections,” saad sa party Resolution No. 09 series of 2021. RNT