Remate Online : BBM PARA SA PRESIDENTE SA 2022

News & Interviews
10 August 2021

By Johnny Magalona | Remate Online

Sinisimulan nang patatagin ni dating Sen. Bongbong Marcos Jr. ang kanyang ‘political stocks’ matapos na lumabas sa resulta ng pre-election surveys na pumangalawa siya sa mga pagpipilian sa mahigit sa 15 presidentiables.

Marami nang influential politician at political alliance ang humihikayat sa batang Marcos na sumabak sa presdential race sa 2022 bagama’t hindi pa siya opisyal na nagdedeklara kung anong posisyon ang kanyang tatakbuhan.

Gayunman, binigyang-diin ni BBM sa panayam sa kanya na ikokonsidera lang niya ang pagtakbo sa pagka-Pangulo “kung may pagbabago o mangyayari sa kanyang pagkandidato.”

Ayon kasi kay Marcos, may mataas siyang rating sa pinakahuling isinagawang survey dahil sa pagtitiwala at kumpiyansiya ng voting public sa kanyang pangalan at track record bilang public servant at kilalang angkan ng mga Marcos na tumutulong sa lahat ng panahon.

Patunay rito ang inilabas ng OCTA Research kamakailan na resulta ng survey nito para sa presidency kung saan ay pumangalawa po si BBM na may 14% sa 15 presideniables.

Nauna rito, sa surveys ng Pulse Asia at Publicos Asia, Inc., pumangalawa rin si Marcos sa presidential daugther at Davao City Mayor Sara Duterte.

Nitong nakaraang buwan, isang alyansa ng strong political leaders sa mga lalawigan ng Northern Luzon ang nangako sa kanya ng tulong kung tumakbo siya sa pagka-Pangulo sa 2022.

Kabilang sa mga nangako si Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson, pangulo ng League of Municipalities, at Isabela Gov. Rodito Albano at dose-dosenang kongresista at elected local government officials na bumubuo sa tinatawag na Solid North.

Nakipagpulong kay BBM ang mga ito sa pamamagitan ng kanyang kapatid na si Imee Marcos.

So ano pa, ‘di Marcos pa rin!

SUGALAN SA CAVITE TULOY KAHIT LOCKDOWN

Sa Cavite, sa kabila ng pina-iiral na lockdown, patuloy ang operation ng bookies ng STL at lotteng nina Kapitan Randy sa Bacoor at at Zaldy Combat sa Cavite City at Noveleta.

Hanggang ngayon, hindi pa rin kumikilos si Cavite PD P/Col. Marlon R.Santos. Bakiitt?

Colonel, kumilos ka naman.

Aba’y patuloy ang operation ng pasugalan sa inyong teritoryo nang hindi mo nalalaman.