Rappler's own Kalye Survey validates strong grassroots support for BBM's presidential bid

18 February 2022

A recent Kalye Survey, conducted by online news site Rappler, confirmed the overwhelming trust and support Filipinos have for presidential candidate Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. in the upcoming 2022 elections.

Rappler dispatched its reporter Rambo Talabong to the Quezon City Memorial Circle, where he randomly interviewed passersby to check the pulse of voters from the city.

A total of eight individuals were asked in random order by Rappler, and Marcos got five votes.  With one vote, Robredo and Lacson ended in a two-way tie for second place.  The survey also registered an undecided vote.

Interestingly, even the lone undecided voter was hoping for unity, the clarion call of the UniTeam for the country.

The initial question posed by the reporter to the interviewees was, Sinong iboboto mo ngayong 2022 at bakit?

"Sa akin lang ha, si BBM kasi lahat naman ng ano may kakayahan. Pero siyempre pipili tayo ng karapat-dapat na maging Presidente," said a man first asked by the Rappler reporter.

When asked why he thinks Marcos was the right choice among the presidential candidates, the interviewee said, "Siya lamang, una, ang maaaring makatulong sa mga mahihirap o kaya siya na ‘yung katuparan nung ibang naghihirap (tutulong) sa bansang Pilipinas." 

When asked about the scathing criticisms against Marcos, the interviewee commented, "Sa akin, ano man ang sabihin nila, kung gusto kong iboto ‘yung isang tao, kahit ano pa man yun, kahit anong mangyari iboboto ko pa rin siya.  BBM pa rin ako.

The second individual, another male, had this to say when posited the same question.

"Siguro sasabihin ko si BBM. Kumbaga sa political legacy, simula sa ama niya, meron na siyang experience sa kandidatura," said the second interviewee.

Talabong then asked the interviewee to comment on criticisms against Marcos, the interviewee responded, "Siyempre hindi natin maiiwasa ang mga paninira.  Kahit ano pang linis mo, laging may paninirang magaganap."

When asked about a particular promise that he would want Marcos to deliver on, the interviewee said,"’Yung mga trabaho para sa mga tao."

Talabong asked a third male individual the same initial question, to which he replied, "Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr.  Gusto ko lang."

The third interview then described the qualities that endeared him to the presidential frontrunner.

"Kung magsalita siya, malumanay. Wala siyang sinasabing kontra sa kalaban.  Lahat ng kalaban niya galit na galit kapag nagsalita sa media.  Tungkol sa sinasabi nila, magnanakaw.  Noon pa 'yan hanggang ngayon magnanakaw.  Martial law.  Lahat na sinasabi nila.  Hindi ba sila nagsasawa sa sinasabi nilang 'yan?  Si BBM mabait," said the third male interviewee.

He had this to say when asked to comment on the issue of Martial law during the time of former President Ferdinand Marcos.

"Sa akin wala namang ninakaw si Marcos eh. Maraming namatay, kagagawan rin naman nila sa Martial law.  Mga pasaway," said the gentleman.

A female ice cream vendor interviewed by Talabong reminisced about the government's support to low-income families even in remote areas. 

She advised those still criticizing Marcos and his father's administration to move forward.

"Nakaraan na ‘yun eh.  Hindi pa ba sila naka-move on?" she quipped.

The views expressed by the interviewees in the Rappler Kalye Survey mirrored the resilient support of Filipinos to both UniTeam bets, as seen in their excellent performance in pre-election surveys.

The UniTeam considers unity among Filipinos a crucial first step in jumpstarting the country's recovery from the Covid19 pandemic.

Bongbong and Sara underscored the importance of achieving unity in the country during the proclamation rally of the UniTeam held recently at the Philippine Arena that was attended by almost 30,000 supporters and was viewed by 1.5 million individuals online as of this writing.

-30-

 FILIPINO VERSION

BBM NANGUNA SA KALYE SURVEY NG RAPPLER

PINATUNAYAN ng kalye survey na isinagawa ng online news site na Rappler na nananatiling nangunguna si presidentiual candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa darating na halalan sa Mayo 2022.

Ipinadala ng Rappler ang kanilang reporter na si Rambo Talabong sa Quezon City Memorial Circle para pulsuhan ang damdamin ng publiko ukol sa kung sino ang napupusuan nilang iboto sa darating na eleksyon.

Walong tao ang magkakasunod na tinanong ng naturang reporter at lumabas na lima sa kanila ay pumapabor kay Marcos. Nakakuha lamang ng tig-isang boto sina Leni Robredo at Sen. Panfilo Lacson habang isa ang nananatiling undecided.

Kapansin-pansin naman na ang nag-iisang undecided ay nagpahayag na ang gusto niya ay ang pagkakaisa na matagal nang panawagan ng BBM-Sara UniTeam.

Tinanong ang mga bystander ng “Sinong iboboto mo ngayong 2022 at bakit?”

"Sa akin lang ha, si BBM kasi lahat naman ng ano may kakayahan.  Pero siyempre pipili tayo ng karapat-dapat na maging Presidente," ayon sa isang lalaki na unang tinanong ng reporter ng Rappler.

Nang tanungin naman kung bakit si Marcos ang pinili niya: “Siya lamang, una, ang maaaring makatulong sa mga mahihirap o kaya siya na ‘yung katuparan na (tutulong) nung ibang naghihirap sa bansang Pilipinas." 

"Sa akin, ano man ang sabihin nila, kung gusto kong iboto ‘yung isang tao, kahit ano pa man ‘yun, kahit anong mangyari iboboto ko pa rin siya.  BBM pa rin ako,” ito naman ang kanyang tugon ukol sa mga akusasyon at batikos kay Marcos.

Si Marcos din ang pinili ng isa pang lalaki na hinarang at tinanong ng reporter.

"Siguro sasabihin ko si BBM.  Kumbaga sa political legacy, simula sa ama niya, meron na siyang experience sa kandidatura," ayon sa lalaki.

Pinasagot naman ng reporter kung ano ang reaksyon nito ukol sa mga kritisismo kay Marcos.

"Siyempre hindi natin maiiwasan ang mga paninira.  Kahit ano pang linis mo, laging may paninirang magaganap,” tugon niya.

Nang tanungin naman siya kung ano ang partikular na pangako ni Marcos ang nagustuhan niya, sinagot niya ito ng “‘yung mga trabaho para sa mga tao."

Ayon naman sa isa pang tinanong: "Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr.  Gusto ko lang."

"Kung magsalita siya, malumanay. Wala siyang sinasabing kontra sa kalaban.  Lahat ng kalaban niya galit na galit kapag nagsalita sa media.  Tungkol sa sinasabi nila, magnanakaw.  Noon pa 'yan hanggang ngayon magnanakaw.  Martial law.  Lahat na sinasabi nila.  Hindi ba sila nagsasawa sa sinasabi nilang 'yan?  Si BBM mabait," paliwanag pa ng interviewee.

Ipinagtanggol pa nito si Marcos nang tanungin siya ukol sa martial law nung panahon ng kanyang ama na si Ferdinand Marcos Sr.

"Sa akin wala namang ninakaw si Marcos eh.  Maraming namatay, kagagawan rin naman nila sa Martial law.  Mga pasaway,” dagdag niya.

Isa namang babaeng ice cream vendor ang nagpayo pa sa mga bumabatikos kay Marcos.

"Nakaraan na ‘yun eh.  Hindi pa ba sila naka-move on?" Ayon sa ice cream vendor.

Ang resulta ng kalye survey ng Rappler ay sumasalamin at nagpapatotoo sa mga serye ng survey ng mga respetadong kumpanya na nananatiling si Marcos ang nangunguna at gusto ng higit nakararaming mga ordinaryong mamamayan.

Sa proclamation rally na ginanap kamakailan sa Philippine Arena sa Sta. Maria, Bulacan na dinaluhan ng mahigit 30, 000 taga-suporta at pinanood live ng mahigit 1.5 milyong tao sa social media, iginiit ng BBM-Sara UniTeam ang kanilang panawagang pagkakaisa para sa muling pagbangon sa pandemya.

-30-