Join the campaign (Learn More)

Radyo Pilipinas : Resulta ng PUBLiCUS survey, patunay ng pangunguna ni BBM sa Kalye Survey

News & Interviews
27 October 2021

By Lorenz Tanjoco | Radyo Pilipinas

Ang malaking numero ng pag sang-ayon ng mga Pinoy sa pagka-pangulo ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., sa pinakabagong survey na inilabas ng PUBLiCUS Asia nitong Biyernes, ay pagpapatunay lang sa mga resulta sa isinagawang serye ng Kalye Survey sa unang dalawang linggo ng Oktubre.

Sa inilabas na resulta ng PUBLiCUS Pahayag survey, nakatanggap si Marcos ng napakalaking pag sang-ayon sa respondents mula sa mga pangunahing lugar sa bansa, para maging susunod na Pangulo sa halalan sa Mayo 2022.

Sa National Capital Region, nakakuha si Marcos ng 40 percent na pangsang-ayon mula sa botanteng Pinoy, habang dominante siya sa North at Central Luzon na may 55.7%.

Nakakuha rin siya ng 38.2% sa South Luzon, habang naitala ang 44.7% para sa kanya sa Visayas.

Sa Mindanao naman ay naitala ang kanyang pinakamalaking puntos na 62.5%.

Si Marcos, na nagsusulong ng mapagkaisang pamumuno sa bansa ay nakakuha sa kabuuhang pagpulso para sa pagka-pangulo ng 49.3%, kumpara sa kanyang mga katunggali na sina Leni Robredo na may 21.3%; Isko Moreno, 8.8%; Ping Lacson, 2.9%; at Manny Pacquiao, 2.8%. 

Ang pangunguna ni Marcos sa presidential race survey ng PUBLICUS Asia, ay may pagkakatulad sa mga resulta sa isinagawa naman ng laganap na Kalye Surveys sa mga vlog at online sa iba’t ibang panig ng Metro Manila, gayundin sa mga karatig lalawigan na Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon mula Oktubre 1 hanggang 11.

Sa kabuuang 2,137 respondents ay 1,307 ang pumili kay Marcos para maging pangulo ng bansa, kasunod sina Moreno na nakakuha ng 345, at Robredo na may 231. Nakakuha naman si Pacquiao ng 125, habang si Lacson ay may 89 at si Bato Dela Rosa ay 23 boto.

Nakakuha si Sara Duterte ng 17 sa Kalye Surveys, ngunit hindi na isinama ang kanyang pangalan sa PUBLICUS Pahayag survey matapos na opisyal niyang ideklarang hindi siya tatakbo sa pagka-pangulo sa 2022, at nagsumite ng kandidatura para sa kanyang reelection sa Davao City.

Batay sa resulta ng Pahayag survey at Kalye Survey, na itinuturing na “real time, face-to-face” live street survey, si Marcos ang mananalo sa pagka-pangulo kung ang halalan ay isinagawa sa mga petsa kung kailan idinaraos ang survey.