Pulse Asia rules out upset win in the May 9 prexy polls; BBM win inevitable

3 May 2022

WITH barely five days before the May 9, national polls, the country’s most respected pollster Pulse Asia is convinced that majority of the 65 million registered voters have already decided at this time and no amount of convincing could make them change their minds about their preferred bets.

And based on their most recent and final pre-election survey where presidential frontrunner former Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. has maintained his huge lead against his rivals with 56 percent voter preference, it is highly likely that his win is indeed inevitable.

In a radio interview over DZRH, Ana Maria Tabunda, Research Director of Pulse Asia, also insisted that she believes that the result of the survey could also be the result in the May 9 elections.

“Magbago man kaunti lang hindi na magkakaroon ng upset. Mahihirapan na talaga yung ibang contender na makahabol,” Tabunda disclosed.

When asked if the voting population has already decided, she answered “Parang ganun nga nga po.”

Marcos recorded his 56 percent voter preference in the final Pulse Asia non-commissioned survey conducted on April 16-21 with 2, 400 respondents.

The Partido Federal ng Pilipinas standard bearer, also obtained similar 56 percent voter preference in the March survey of Pulse Asia and stayed as the huge leader in the presidential derby with 33 percentage lead against his closest rival Leni Robredo who only scored 23 percent, a drop of one percent compared to her 24 percent voter preference last March.

Manny Pacquiao is in distant third with seven percent, while Isko Moreno, dropped to number four position with four percent, and Ping Lacson in fifth with two percent.

Tabunda added that of the 56 percent voter preference of Marcos, majority of them claimed that they will not change their decision until the May 9 elections.

“80 percent ang nagsasabi na hindi na magpapalit ang boto nila para kay BBM. Sa tingin ko hindi (na lilipat), that’s why yun pa rin ang number niya,” Tabunda explained referring to the no movement of survey numbers of the presidential candidates.

Earlier, Tabunda also revealed that if we convert the 56 percent of Marcos to votes, it is equivalent to about 36.5 million of the total 65 million registered voters in the country.

“Well, ngayon lang kami nakakita ng ganyan kalaking lamang sa buong experience namin. Kauna-unahang pagkakataon ito na mayroong nag-majority voter preference na presidential candidate,” Tabunda said during a previous interview.

She added that Marcos’ consistently high numbers are historic since it was the first time since they started conducting pre-election surveys that a presidential candidate has been able to maintain his 50-plus percentage voter preference throughout the duration of the presidential race.

“Marcos was leading by 33 percent margin points and if it is converted into votes, it could be around 19.5 million, which was even higher than the more than 16 million votes Pres. Rodrigo Duterte obtained in the 2016 presidential polls” Tabunda said.

-30-

FILIPNO VERSION

WALA NG UPSET, PANALO NI BBM SIGURADO NA—PULSE ASIA

LIMANG araw na lamang bago ang eleksyon sa Mayo 9, naniniwala ang Pulse Asia, ang isa sa pinaka-pinagkakatiwalaang survey company sa bansa, na nakapag-desisyon na ang karamihan sa 65 milyong botante sa bansa at hindi na ito mababago hanggang sa dumating ang halalan.

At base sa pinakahuling pre-election survey, lumalabas na halos sigurado na rin ang panalo ni presidential frontrunner dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. matapos nitong mapanatili ang malaking kalamangan sa mga katunggali at muling umiskor ng 56 porsyentong voter preference.

Sa panayam sa DZRH, iginiit ni Ana Maria Tabunda, Research Director ng Pulse Asia, na halos sigurado na, na ang resulta ng survey ay siya na ring magiging resulta ng eleksyon sa Mayo 9.

“Magbago man kaunti lang hindi na magkakaroon ng upset. Mahihirapan na talaga yung ibang contender na makahabol,” ibinunyag ni Tabunda.

Nang tanungin ito kung nakapag-desisyon na ba ang mga botante, sinagot niya ito na “parang ganun nga nga po.”

Naitala ni Marcos ang kanyang 56 porsyentong voter preference sa Pulse Asia na isinagawa nitong April 16-21 sa 2, 400 respondents.

Nitong Marso, nakapagtala rin si Marcos ng katulad na 56 porsyentong voter preference sa Pulse Asia at napanatili nito ang malaking kalamangan na 33 porsyento sa kanyang pinakamalapit na katunggali na si Leni Robredo na umiskor lamang ng 23 porsyento.

Bumaba pa ito ng isang porsyento kumpara sa kanyang 24 porsyentong voter preference nitong Marso.

Nasa malayong ikatlong pwesto si Manny Pacquiao na nakakuha ng pitong porsyentong voter preference, habang si Moreno naman ay sumadsad sa ika-apat na puwesto na mayroong apat na porsyento at si Ping Lacson naman ay nanatili sa ika-limang pwesto na may dalawang porsyento.

Idinagdag pa ni Tabunda na sa 56 porsyentong nakuha ni Marcos, karamihan dito ay nagsabi na hindi na sila magpapalit ng kanilang desisyon hanggang dumating ang halalan sa Lunes.

“80 percent ang nagsasabi na hindi na magpapalit ang boto nila para kay BBM. Sa tingin ko hindi (na lilipat), that’s why yun pa rin ang number niya,” paliwanag ni Tabunda patungkol sa halos hindi panggalaw ng mga numero ng mga kandidato sa karera sa pagka-pangulo.

Kamakailan din ay binunyag ni Tabunda na kung iko-convert ang 56 porsyento ni Marcos sa boto ay aabot ito sa 36.5 milyon, mula sa 65 milyong registered voters sa bansa.

“Well, ngayon lang kami nakakita ng ganyan kalaking lamang sa buong experience namin. Kauna-unahang pagkakataon ito na mayroong nag-majority voter preference na presidential candidate,” ani Tabunda sa nakaraang panayam sa kanya.

Iginiit din niya na ang malaking numero ni Marcos sa survey ay maitatala sa kasaysayan dahil ngayon lamang sila nakakita ng ganitong kalaking numero na napanatili sa 50-plus percentage voter preference sa isang presidential elections.

“Marcos was leading by 33 percent margin points and if it is converted into votes, it could be around 19.5 million, which was even higher than the more than 16 million votes Pres. Rodrigo Duterte obtained in the 2016 presidential polls” saad ni Tabunda.

-30-