Join the campaign (Learn More)

PUBLiCUS trial poll and kalye survey results confirm Bongbong is people’s ‘Best Bet’ for president in 2022

Press Releases
24 October 2021

The enormous lead of Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. in the 3rd Quarter survey released by PUBLiCUS Asia last Friday validated the results of the series of Kalye Survey conducted in the first two weeks of October.

“Both the scientific and real-time street surveys also confirmed that Bongbong is widely chosen by the respondents as their Best Bet for president in next year’s elections,” said the Marcos camp.

In PUBLiCUS’ Pahayag survey, Marcos was way ahead of the other Presidential hopefuls as more voters showed an overwhelming preference for him in key voting areas.

In the National Capital Region, Marcos cornered more than 40% of the votes, while in North and Central Luzon, he got a whopping 55.7%. In South Luzon, he obtained 38.2%, while in the Visayas, he registered 44.7%. Topping such an enormous display of support, Marcos cornered 62.5% voter preference in Mindanao. 

Marcos, who offers a unifying brand of governance once elected, got a total

presidential preference vote of 49.3% followed by Leni Robredo with 21.3%, Isko Moreno with 8.8%, Ping Lacson with 2.9%, and Manny Pacquiao with 2.8%.

In the same way that Marcos also dominated the Kalye Surveys conducted by different vloggers in various parts of Metro Manila and the provinces of Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon from October 1 to 11.

Of the total 2,137 respondents, 1,307 expressed their preference for Marcos. Moreno came a far second, with 345; while Robredo placed third with 231. The results for the four others were: Pacquiao, 125; Lacson, 89; and Bato Dela Rosa, 23.

Sara Duterte got 17 in the Kalye Surveys but she was no longer included in the list for the Pahayag survey since she has declared that she will not be running for President in the 2022 polls and instead vie for reelection.

Based on the results of the Pahayag survey and the Kalye Survey, a “real time, real man” street survey, Marcos would be a runaway winner in the presidential derby if the elections were held on those survey dates.

—30—

FILIPINO VERSION

PUBLiCUS AT KALYE SURVEY NAGPATOTOO NA SI BONGBONG ANG “BEST BET MO” SA 2022

ANG napakalaking numero ng pagsang-ayon ng mga Pinoy sa pagka-pangulo ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. sa pinakabagong survey na inilabas ng PUBLiCUS Asia nitong Biyernes ay pagpapatunay lamang sa mga resulta sa isinagawang serye ng Kalye Survey sa unang dalawang linggo ng Oktubre.

“Both the science-based and real-time street surveys also confirmed that Bongbong Marcos is widely chosen by the respondents as their Best Bet for president in next year’s elections,” ayon sa kampo ni Marcos.

Sa inilabas na resulta ng PUBLiCUS Pahayag survey, nakatanggap si Marcos ng napakalaking pagsang-ayon sa respondents mula sa mga pangunahing lugar sa bansa para maging susunod na Pangulo sa halalan sa Mayo 2022.

Sa National Capital Region, nakakuha si Marcos ng 40% na pangsang-ayon mula sa botanteng Pinoy, habang dominante siya sa North at Central Luzon na may 55.7%. Nakakuha rin siya ng 38.2% sa South Luzon, habang naitala ang 44.7% para sa kanya sa Visayas. Sa Mindanao naman ay naitala ang kanyang pinakamalaking puntos na 62.5%.

Si Marcos, na nagsusulong ng mapagkaisang pamumuno sa bansa, ay nakakuha sa kabuohang pagpulso para sa pagka-pangulo ng 49.3% kumpara sa kanyang mga katunggali na sina Leni Robredo, na may 21.3%; Isko Moreno, 8.8%; Ping Lacson, 2.9%; at Manny Pacquiao, 2.8%.

Ang pangunguna ni Marcos sa presidential race survey ng PUBLiCUS Asia ay may pagkakatulad sa mga resulta sa isinagawa naman ng laganap na Kalye Surveys sa mga vlog at online sa iba’t-ibang panig ng Metro Manila, gayundin sa mga karatig lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon mula Oktubre 1 hanggang 11.

Sa kabuuang 2,137 respondents ay 1,307 ang pumili kay Marcos para maging pangulo ng bansa, kasunod sina Moreno na nakakuha ng 345 at Robredo na may 231. Nakakuha naman si Pacquiao ng 125, habang si Lacson ay may 89 at si Bato Dela Rosa ay 23 boto.

Nakakuha si Sara Duterte ng 17 sa Kalye Surveys, ngunit hindi na isinama ang kanyang pangalan sa PUBLiCUS Pahayag survey matapos na opisyal nyang ideklarang hindi siya tatakbo sa pagka-pangulo sa 2022 at magsumite ng kandidatura para sa kanyang reelection sa Davao City.

Batay sa resulta ng Pahayag survey at Kalye Survey, na itinuturing na “real time, face-to-face” live street survey, walang duda na si Marcos ang mananalo sa pagka-pangulo kung ang halalan ay isinagawa sa mga petsa kung kailan idinaraos ang survey.

—30—