Youth for Miriam

Magandang gabi sa inyong lahat, lalo na sa mga bumubuo ng “Youth for Miriam”! Maraming salamat sa inyong pag-anyaya sa akin. Tunay itong isang malaking karangalan para sa akin.

Magandang gabi rin sa mga kapwa kong lingkod-bayan na nandirito ngayon, lalo na sa mga piling-piling mga “Senatoriables”.

At higit sa lahat, salamat sa totoong bida ng pagtitipon nating ito—ang totoong reyna ng gabing ito—walang iba kundi ang natatanging “Presidentiable ng Kabataan at mga Mag-aaral”: si Senador Miriam Defensor-Santiago!

It is truly great to be here…on a chilly Valentine’s night—and with Senator Miriam, no less! Pakiramdam ko tuloy na si Senator Miriam ang aking date ngayong Valentine’s day. Hindi lang aking ikinararangal, kundi aking ikinakikilig na makasama ko siya ngayong gabi. Tunay akong mapalad. Sorry na lang sa aming mga kabiyak na naiwang nag-iisa sa bahay!

Malaking karangalan po ang maging katambal si “President Miriam” sa ating kampanya ngayong 2016. I look forward to continue to working with her up in the higher rungs of government, and I can’t wait to be under her tutelage and be mentored by her.

I want to be on her side on her fight against corruption in government and against “TRAPOs”. And I also want to help her unite the country in the pursuit of our needs and higher aspirations.

Sa Senado po, ako ay manghang-mangha at bilib-na-bilib sa kanyang katalinuhan, kagalingan, at katapangan. Walang siyang katulad. Wala siyang kinatatakutan. Walang inaatrasan kahit na sino. Makinig ka lamang sa kanyang mga sinasabi, ‘ika nga, ULAM na! Paano pa kaya kung ikaw ang kanyang magiging Bise-Presidente! “Solb na solb” ka talaga!

She has entertained, educated, instilled wisdom and raised political awareness among Filipinos with just her two best-selling books—“Stupid is Forever” and “Stupid is Forevermore”—better and more than our President has ever done with his six State of the Nation Addresses (SONAs) and his countless hypocritical moralizings and pontifications through the years.

Tunay na magiging exciting at isang malaking hamon para sa akin ang maging Vice-President ni President Miriam. Dapat ay palagi kang listo, alerto at palaging handa sa kanyang mga sasabihin. Dapat palaging may katuturan at lohika ang iyong mga sinasabi. Of course, you wouldn’t want to be called an “intellectual amoeba” or an “intellectual bonsai”—just as you wouldn’t want to be labeled as somebody who is afflicted with “logorrhea” or verbal diarrhea, or incoherent and senseless talking.

At tiyak na ayaw mo ring masabihan ng “WHAAH?!”—na kanyang sikat-na-sikat na linya noong 2012 impeachment proceedings.

Nagpapasalamat ako na patuloy siyang binibigyan ng magandang kalusugan. Patunay na mas marami at mas malakas ang mga mabubuting-loob na nagdarasal para sa kanyang kalusugan at kaligtasan, kaysa sa mga masasamang damo na naghahangad ng kabaligtaran para sa kanya!

Sabi nga ng dating Chief Justice ng Korte Suprema Artemio Panganiban sa isang pagdinig sa Senado: “Magpagaling po kayo. Kailangan po kayo ng ating bayan!”

Maganda siguro talaga ang lifestyle ni President Miriam.

Paano ba naman, napakaganda ng kanyang diyeta…

She eats “death threats for breakfast.” She eats her political enemies for lunch. And devours corrupt government officials for dinner. Ang paborito niyang ulam di-umano ay “IL POBRE SENADORES À LA UTAC”!

And then, “words are her livelihood”. And, of course, her life passion is public service and fighting corruption in government.

Sino nga naman ang hindi hahaba ang buhay kung ganoon?! “Good Karma”, ‘ika nga!
Ganitong pinuno at ganitong klaseng pamamalakad ang kailangan natin sa ating bansa ngayon!

When asked about her “management style”, President Miriam answered with her trademark wit and flair:

“Spiritual fortitude, intellectual scholarship, and, if all else fails, physical violence!”

Sigurado ako na biro lang ‘yung ikatlo. Mabait naman talaga si President Miriam!

‘Yan ang ating idol. And so, I look forward to six productive and meaningful years of public service, as her Vice-President. Gusto kong makapulot ng marami pang mga aral at karunungan mula sa kanya. Moreover, I want to offer my assistance in her quest to install a “NATIONAL INTEGRITY SYSTEM”, which shall be “administered with the same brutality that is being practiced by the identifiable crooks in government”.

At siyempre, gusto ko rin matuto ng mga epektibong mga “pick-up lines”, mga payo sa pag-ibig at mga “dating tips” na tiyak na magagamit ko sa aking giliw na maybahay.

Sana buhay na buhay pa rin ang “Miriam Magic of 1992”. Siya naman kasi talaga ang totoong nanalo noong halalan noong 1992! At ngayon, 24 taon ang lumipas, tiyak na botante pa rin ang mga Miriam fanatics noong 1992. Sana ay buo pa rin at patuloy ang kanilang pagsuporta kay President Miriam, at makadagdag pa sila sa matibay na suporta ng mga kabataan at mga mag-aaral sa buong Pilipinas.

Higit sa lahat, sana ay suportahan din ninyo ako: ang kanyang katambal na Bise-Presidente Bongbong Marcos! Tulad ni President Miriam, maganda at malinis ang aking hangarin para sa bansa. Makatitiyak kayong lahat diyan!

According to President Miriam, “the 2016 elections is a test of leadership” for our country. Let us vote intelligently and wisely. Nasa kamay ninyong mga kabataan ang magandang kinabukasan ng Pilipinas. ‘Ika nga ng ating idol: “For God’s sake, save this country!”

So here’s to President Miriam’s continued recovery, better health and longer life—and an even longer stint in the service of the Filipino people.

Mabuhay ang tambalang “Miriam-Bongbong” para sa 2016! Let us vote solid: Miriam Defensor-Santiago for President, and Bongbong Marcos for Vice-President!

Muli, maraming salamat sa pagkumbida sa inyong lingkod!

Magandang gabi sa inyong lahat at pagpalain tayong lahat ng Maykapal!

Back to Blog