VP bet Sen. Marcos sa mga bagong botante: iboto ang mga kandidato na may nagawa para sa bansa

Pinayuhan ngayon ni vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang mga baguhang botante na baguhin ang bansa tungo sa mas magandang bukas sa pamamagitan ng pagboto sa mga kandidato base sa kanilang track record at performance.

Sa kanyang talumpati sa isang Voters’ Education Forum sa Tomas Claudio College sa Morong, Rizal, sinabi ni Marcos na napakalaking pagkakataon ang susunod na eleksyon upang mabago ng mga botante ang patutunguhan ng bansa,

“We are approaching an election and let us allow those who vote in the elections to make their own judgments as to who did the most for this country and who had the opportunity to do much for this country but who did not,” sabi ni Marcos sa mga mamamahayag sa isang pulong-balitaan na ginanap sa naturang kolehiyo.

Bagamat walang pinangalanan si Marcos kung sinong kandidato ang nagtataglay ng pinakamagandang kwalipikasyon, sinabi nito na nagbibigay lamang siya ng gabay sa mga bagong botante sa paggawa ng tamang desisyon.

“I’m asking them to make that judgment as many of them are first time voters. It is a guide for them how to choose the people that they will vote for, how to choose the candidates that they feel will serve the country well,” ayon dito.

Si Marcos ay nasa Rizal ngayon kung saan nagsama-sama ang mga kinikilalang pulitiko ng probinsya sa pagpapahayag ng suporta sa kanyang kandidatura para bise presidente at sa kanyang panawagan para sa pambansang pagkakaisa kasabay ng pagdedeklara na ng mga ito na ang lalawigan ay “forever Marcos country.”

Nagpasalamat din siya sa masigabo at mainit na pagsalubong sa kanya sa Rizal. “Ay napakaganda at talagang maraming lumabas at hindi ko naman akalain na ganyan ang mangyayari. Pero maipagmamalaki ko na talagang naglsabasan ang mga tao at mainit ang pagsalubong. Hindi lamang naghe-hello at hindi lamang bumabati kundi talagang very supportive kaya’t nagpapsalamat ako sa lahat ng mga aming nakita. Hindi sila mabibigo kapag ako ang nahalal na bise presidente,” ani Marcos.

Back to Blog