UNTV News – Panukalang batas na naglalayong bigyang kapangyarihan ang mga Punong Barangay na mangasiwa ng panunumpa, tinalakay sa Senado

By Bianca Dava / Ruth Navales | UNTV News

IMAGE_UNTV-NEWS_08202014_SEN-BONGBONG-MARCOSSen. Bong Bong Marcos (UNTV News)

untvnewsMANILA, Philippines — Isang panukalang batas ang inihain sa senado na naglalayong bigyang kapangyarihan ang mga Punong Barangay na mangasiwa ng panunumpa o oath of office ng mga opisyal ng pamahalaan.

Layon ng Senate Bill 2334 na inihain ni Senator Bam Aquino na amyendahan ang Chapter 1, Section 41 ng Executive Order 292 (Administrative code of 1987), na magsasama sa mga barangay captain sa mga opisyal na may kapangyarihang mangasiwa ng panunumpa ng mga government official.

Sinabi ni Aquino na ang pag-administer ng oath ay pagkilala sa critical role ng ating mga punong barangay.

Sa ginawang pagdinig ng Senate Committee on Local Government sa pamumuno ni Sen. Bong Bong Marcos kahapon, napagkasunduang tanging mga elected at appointed na opisyal ng pamahalaan lamang ang maaaring manumpa sa mga punong barangay.

Nangangahulugan itong hindi na kasama rito ang mga private individual.

Napag-usapan rin ang masasakop at limitasyon ng mga barangay captain sa pag-administer ng panunumpa.

“Maliwanag naman, in terms of elected officials, it is the Comelec that will proclaim. Appointed officials, whoever is the appointing authority will be the one to determine who is the actual officer to proclaim and appointed to that position. So kahit na manumpa ang iba, that doesn’t change matters,” ani Marcos.

“This proposal has been taken up by the nat’l exec. board if the nat’l Liga ng mga Brgy, and they are all out in favor in this proposed bill amendments that will empower their membership in the local community na hindi na po sila mapipilayan and earn some sort of respect,” pahayag naman ni Atty. Carlos Abesamis, pinuno ng Legal Department ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas.

Sakaling maisabatas, masasama na ang mga barangay captain sa mga opisyal na maaring mangasiwa ng panunumpa bukod pa sa presidente, bise presidente, mga miyembro ng gabinete, mga senador at kongresista, at mga miyembro ng judiciary.

Ilan pa sa maaaring mag-administer ng oath ay ang mga gobernador, bise gobernador, city mayor, municipal mayor, bureau at regional directors, clerks of court at mga opisyal ng gobyerno na inappoint ng pangulo at subject sa confirmation ng Commission on Appointments.

Dagdag pa rito ang mga constitutional officer, public attorney’s office at notary public.

Matatandaang nang manalo si Pangulong Benigno Aquino III sa presidential elections noong 2010 ay gusto nitong manumpa sa barangay captain sa kanyang hometown sa Tarlac, at hindi nito kinilala ang appointment ni dating chief justice Renato Corona. Subalit sa huli, nanumpa ito kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, na siyang Associate Justice ng Supreme Court ng mga panahong iyon.

“By empowering the Punong Barangay to administer oaths is an affirmation and recognition of its critical role in our society. Aside from carrying out government programs and projects in the Barangay level, the Punong Barangay also serves as the leader and a source of legitimacy by its constituents,” pahayag pa ni Senador Aquino.

Back to Blog