Unity for Lasting Peace & Progress: Speech at the Philippine Councillor’s League General Assembly

Pass a law that we know to be unconstitutional, then we have not done our jobs. And we cannot be asked to be a rubber stamp and we have to get ideas. Kailangan natin makipag usap at makipag ugnay hindi lamang sa mga nasa Bangsamoro kung hindi yung mga naka paligid at for that matter, para sa buong bansa.

Ito’y napaka importante kaya naman nagkakaron na ng debate kung ang plebesito sa Bangsamoro ay dapat gawing sa ARMM areas lang, Muslim Mindanao lang, o sa buong bansa.

Dahil maraming nagsasabi “Apektado naman kami lahat, eh dapat makapag boto rin kami para may boses kami dahil yung ginagamit dyan, lahat ng nilalagay dyan ay galing sa amin”.

So these are some of the problems that we have seen and meron din tinatawag, siguro narinig na rin ninyo, yung tinatawag na Opt-in provision. Yung Opt-in provision is that you have an any LGU basta contiguous – nakadikit.

Pero ang kanilang definition ng contiguous, kasama ang dagat. Kaya hanggang Palawan umabot yung contiguous. Pero ang sinasabi na “All of the contiguous lands, and that includes the sea, have an option to join Bangsamoro”.

Ano ang mechanism? “But with the signature or with the petition of 10% of all registered voters or a resolution by the Sanggunian” ay pwede na nilang magalaw ang plebesito para papasok ang LGU doon sa Bangsamoro government. Ngayon, hindi natin pwedeng gawin na parang sasabihin “Gagawa tayo ng isang probinsya. Ang probinsya tatawagin nating Ilocos Norte.

Ang Ilocos Norte ay dito sa western side ay dito banda sa dagat” tapos idedefine, yan magkakaroon na ng coordinates para makita yung boundary ng Ilocos Norte. Pero kung gugustuhin ng ibang LGU, pwedeng sumama. Kukuha kami sa Abra, kukuha kami sa Ilocos Sur, kukuha kami sa Cagayan, pwedeng magsama at palakihin.

So bawat taon, bawat tagal ng panahon, ay nagbabago ang boundary. At ang tanong ko pa, isa pang problema doon sa Opt-in provision, ay kung ang LGU ay hindi naman nakadikit sa core territory ang sumama sa Bangsamoro, saan ngayon sila? Anong probinsya sila? Saan sila kokolekta ng IRA? Sino ang tatakbuhan nila na pulis? Saang ospital sila pupunta?

Kaya masyadong magulo eh dahil pinababayaan ang Bangsamoro territory na palaki ng palaki. Ang kinakatakutan nga ng lahat, ay pagka tagal ng panahon, baka buong Mindanao na eh kasama na sa Bangsamoro territory. Eh ang Kristyano? Anong mangyayari sa mga Kristyano? Ano ang mangyayari sa hindi Bangsamoro people? Malaking tanong yan na hanggang ngayon, hindi pa kami makakuha ng sagot.

Kaya marami sa mga probisyon dito sa Bangsamoro Basic Law ay hindi lang sa tutol kami sa kanilang prinsipyo, hindi lang dahil tinututulan dahil ito’y unconstitutional. Kung minsan ay kailangan lang liwanagin dahil hindi maliwanag ang mga proseso, hindi maliwanag ang mga mekanismo para sa checks and balances at kailangan nating intindihin kung ano ba talaga ang power sharing.

Sino ba ang namumuno. Ang National Government ba o ang Bangsamoro Government? As a final point, nagtataka angmarami na kung bakit ang naging facilitator – yung parang referee dito sa usapan na BBL at saka sa MILF, ay Malaysia. Eh Malaysia ang siyang nagsimula ng gulo sa Mindanao dahil sinabi niya, (…) ni Gov. Misuari na ang nagbabayad ng gera sa Mindanao para sa MNLF, kung sa bagay 1968 pa yun, nagsimula noong mga 1968, ay Malaysia.

Ngayon sila ang magsasabi kung ano ang mga dapat gawin, sila ang nagtuturo kung saan sa Pilipinas, kung ano ang magiging solution. Kaya’t nagtataka ang lahat. Halimbawa, yung Bangsamoro Government, parliamentary and ministerial. Eh ang nakalagay sa konstitusyon, ang Pilipinas is a Republican Presidentia Unitary, Unitary ibig sabihin iisa, pare pareho.

Papano natin sasaksakan ng parliamentary? Kaya nag dedebate hanggang ngayon ang mga constitutionalists, ang mga abogado. Pero nagtataka kami lahat kasi kung titignan mo yung istraktura na pino-propose nila para sa Bangsamoro Government, ay eksakto doon sa mga federations sa Malaysia.

Meron din silang parliamentary, meron din silang Chief Minister, ginayang eksakto sa Malaysia. Kaya yung iba naiisip, “Eh baka ibig sabihin nito, ihihiwalay talaga nila sa Pilipinas at baka sumama na sa Malaysia”. Palagay ko hindi naman. Kaya naman noong tinanong ko si (…), kasi sa organic law ng ARMM, nakalagay doon “We will pledge allegiance to the Republic of the Philippines, we will continue to be citizens of the Republic of the Philippines, and the ARMM will not be used to secede from the Philippines”.

May nakalagay na probisyon na ganun. Sa Bangsamoro Basic Law, wala. Sabi namin “Oh bakit nawala? May balak ba kayong humiwalay?” Hindi naman daw. “Kung ganun, ibalik natin”. “Hindi”, “Oh anong problema?

Kung wala naman kayong balak na humiwalay ang Bangsamoro, bakit ‘di natin ilagay yung probisyon na yun?”, ika nila, “Kailangan pagkatiwalaan niyo kami. You have to trust us. This is an insult that you are not trusting us and you have to put the assurance in the law”. Eh ika ko sa kanila, “We trust you. Pero wala kaming alam kung sino ang susunod sa inyo.

Pagka wala na tayong pareho, hindi na natin malalaman kung ano maiisip ng mga uupo dyan sa pwesto mo at yung mga uupo dito sa pwesto ko. Kaya’t tiyakin na lang natin”. Kaya’t yan ay pinagtatalunan pa namin. Yang kagaya ng Opt-in provision palagay namin (…) sa senado, ay tatanggalin na lang yung Opt-in provision – yung pag dagdag na pag dagdag ng mga LGU doon sa Bangsamoro.

Pangalawa, yung sinasabi kong provision na hindi ihihiwalay ang Bangsamoro sa Pilipinas ay ibabalik namin na galing sa ARMM. Yung mga constitutional problems na nakikita namin, aayusin namin lahat yan, at liliwanagin natin yung tinatawag na sharing.

Halimbawa yung Block Grant na kalaki-laki ay titiyakin natin na gagawin namin na ito ay magiging transparent, accountable ang mga opisyal. Kagaya ng lahat ng Local Government.

So ang ginagawa ko ngayon ay parang yung sistema ng Bangsamoro ay inilalapit natin sa sistema ng pangkaraniwan na LGU. Ang problema lang, wala tayong regional government. Ngayon pa lang tayo gagawa ng regional government na parliamentary. Halimbawa, sabi namin yung COA, sinasabi ko kanina, yung COA gawin na lang natin COA region eh lahat naman ng region eh may regional office ang COA. Edi yun ang gawin natin, yun ang gayahin natin. Tapos yung comelec ganun din ang dapat nating gawin, yung Civil Service dapat parin nating gawin.

Yung pulis kailangan maliwanag na maliwanag na ang pulis ay nasa ilalim ng PNP at kailangan laat ng magiging Bangsamoro police ay susunod din sa schooling, sa examination, sa training ng pangkaraniwan na pulis. Meron pa sa Bangsamoro na pwedeng magtayo ng armed force ang Bangsamoro.

Ito ay hindi maaari at ito’y tatanggalin namin. Kaya ngayon, dahan dahang inaayos, nasa recesskami wala kaming session, nag adjourn kami nung June 10 at dito sa recess ang aking ginagawa ay natapos ko na yung pagdinig at yung gagawin natin sa habang nasa recess, habang walang session, ay sinusulat kona, binabago ko na yung draft na binigay sa kongreso.

Nilalagay na namin lahat ng pagbabago at sa palagay ko sa pagbalik namin after SONA eh matapos na yung Substitute Bill, pwede mo nang pakita sa aking mga kapwa senador at mapag usapan, mapag debatihan at pagbotohan. Kailangan ang mga iba’t ibang probisyon para lang masabi natin na maayos na ang BBL.

Ang mangyayari nito, pagbalik namin sa SONA, I will call a hearing of the committee members ng committee ko, bibigay ko sa kanila yung aking substitute bill, pag uusapan namin kung anong pagbabago ang pag agreehan namin, gagawin namin at kung ano ang ma approve sa committee level ay dadalhin namin sa Senado at pagdedebatihan ng lahat ng senador.

Kaya siguro hindi ko masasabi kung kelan matatapos dahil ito nga ay matatapos dahil hindi natin masasabi kung gaano kahaba ang magiging diskusyon.

Ang masasabi ko lamang, maaasahan ninyo na kahit na anong pressure ang binibigay, kahit na anong deadline ang binibigay ng palasyo, na binibigay ng kung sino sino, na wala naman sa comprehensive agreement, na wala naman sa BBL, ang dami nilang binibigay na deadline sa amin.

Kaya naman bawat hearing namin sa senado, pag nandyan yung OPAC. Lagi kong natatanaw sa kanila “Bakit niyo kami minamadali?

Kahit na matapos itong term na ito, hindi naman matitigil ang mundo eh, tuloy tuloy parin itong pagsusuri at pag aaral na ito”.

Kaya ang masasabi ko lang at maipapangako ko sa inyo, masusumpa ko sa harap ninyo, hindi ako papayag na imadali itong BBL, hindi ako papayag na irailroad ang BBL dito sa aking committee at kung sumubok sila, ay ititigil ko ang proseso.

Kaya’t asahan ninyo, lahat ng mga nakikita nating problema, lahat ng mga nakikita natin na kailangang gawin, kailangan idagdag, kailangan bawasan, kailangan mapalitan, ay gagawin natin. Hindi mamadaliin ito, importante sa atin ito.

Yun ang aking maipapangako ko sa inyong lahat.

Maraming salamat sa inyo at magandang tanghali.

Back to Blog