Unang Hirit

Arnold Clavio: Patuloy po ang pagkilatis natin sa mga tatakbo sa pagka bise-presidente sa eleksyon 2016, at ngayong umaga, mapapanayam natin si vice-presidential candidate, Senator Bongbong Marcos. Good morning po Senator Marcos.

BBM: Magandang umaga sa inyo. Magandang umaga sa lahat ng nanunuod. Good morning sa inyong lahat.

AC: Iyong item namin may kaugnayan kay Miriam Defensor Santiago. Kamusta na ba iyong usapan ninyong dalawa?

BBM: Mabuti naman ang takbo ng usapan namin dahil ang ginagawa namin ay we are forming a loose coalition na sa aming mga kampo. Maganda naman ang nagiging usapan namin.

AC: Walang problema sa kalusugan niya?

BBM: Ako, pagka sinabi niya na kaya niya ang mangampanya, na magaling na siya, edi sino pa ba paniniwalaan ko kung hindi si Senator Miriam.

Rhea Santos: Alright, of course hindi naman maiiwasan, Marcos ‘ho kayo, laging nakakabit ang Martial Law sa pangalan niyo. Didiretsuhin ko na rin igan, sa tingin niyo ba ay may kailangan ‘ho kayong ipagpaumanhin o ipagpaliwanag tungkol ‘ho sa Martial Law?

BBM: Unang-una, hindi naman laging nakakabit. Pagka kausap ko, pagkaharap ko ang mga karaniwan na mamamayan natin, hindi iyon ang pinag-uusapan. Tinatanong, ano ang magagawa ninyo para tulungan kami? Anong magagawa ninyo para ibaba ang presyo ng bilihin ngayon? Ano magagawa ninyo para magkaroon kami ng trabaho? Para mabawasan ang droga… mga sindikato ng droga. Iyon ang mga pinag-uusapan. Kaya’t iyon ang aming pinag-iisipan at iniisipan ng solusyon. Kaya naman, kahit iyong issue na iyan nababanggit, pagka kagaya ng sabi ko, pagka naging masinsinan ang usapan, ang pinag-uusapan ay iyong mga issue of the day. Iyon na nga, gaya ng nabanggit ko. Ano gagawin natin sa sektor ng agrikultura? Ano gagawin natin sa sektor ng edukasyon? Ano gagawin natin sa housing? Lahat iyan.

RS: Pero, I’m sure po Senator pagdating ng kampanya, hindi talaga maiiwasa iyong mga ganyan. Handa kayong sagutin?

BBM: Tatlumpung taon na namin sinasagot iyan. Siguro, magugulat siguro ako kung may bagong tanong. Pero, siyempre handa namin sagutin lahat. Kahit na anong taon. Ngunit, ang binibigyan namin ng pansin ay kung ano ba talaga ang iniisip, at inaalala, at pinagaabalahan ng taong bayan.

AC: Okay. Okay na ‘ho ba si dating unang Ginang Imelda Marcos na parang napabalita may tampo yata sa inyo? Dahil ang gusto Pangulo ang takbuhin niyo, hindi VP.

BBM: Totoo iyon. Iyon na nga, palagay ko naman, mula noong nagdesisyon ako, parang pag-iniisip ko mukhang tama naman ang aking naging desisyon. Dahil palagay ko mas bagay sa akin ang bumalik sa executive. Gusto ko kasi lagi marami akong ginagawa. Syempre ang kaharap mo hindi lamang pulitiko kung hindi iyong mga taong bayan. Palagay ko, marami ng batas sa Pilipinas. Siguro kailangan ngayon iyong implementation dahil hindi na kailangang sumulat ng mas maraming pang batas, kung hindi i-implement kung ano iyong nandiyan na. Iyan ang trabaho ng executive. Kaya’t I’m looking forward to it-na mabalik na ako sa executive para marami akong magawa para makatulong.

AC: Sa tingin mo mayroon kang fair na coverage sa panahon ngayon? Like nakikita natin sa ilan na mga yellow journalism, na binabalik pa rin iyong mga istatistika noong mga old regime ika nga. So tingin mo magiging fair sayo ang media?

BBM: Hindi ko naman masyadong iniisip iyon. Basta’t ang aking iniisip lamang ay ang aking pagka serbisyo at kung ano man ang lumabas sa pahayagan, kung ano man ang lumabas sa media, wala tayong magagawa. Iyan ang kanilang gustong pag-usapan. Pero, again, babalik ako doon sa aking nasabi. Ang akin talagang binibigyan ng pansin, hindi iyong mga historical analysis. Ang tinitignan ko talaga kung ano iyong kailangang gawin dahil kahit pag-usapan natin iyan ng matagal, hindi iyan makakatulong sa sitwasyon ng Pilipinas ngayon. Bilang isang public servant, iyon ang aking trabaho- ang tumulong at tumulong gumawa ng solusyon sa mga problema.

RC: Bakit po kailangan iboto ng mga tao si Senator Bongbong Marcos, bilang Bise-Presidente?

BBM: Dahil sa palagay ko, marami naman akong maitutulong. Lahat na siguro ng bahagi ng pamahalaan ay nadaan na ako. Naging Legislator na ako, naging Governor na ako, nasa local government. Ngayon nasa national government naman ako. Karamihan, kung hindi lahat ng problema ng bansa ay nasa ekonomiya. Hindi naman sa pagsusulat ng batas, kung hindi nasa ekonomiya. Kung mayroon naman akong training sa economics, mayroon akong nakikita na maaaring maging solusyon, iyan ay maaaring makatulong sa buhay ng tao iyan. Para magdala tayo ng kaunting ginhawa sa kanilang pang araw-araw na kabuhayan.

AC: Tuwing eleksyon ‘ho parang nababanggit lagi iyong Solid North. Is it a myth or sa pag-iikot niyo, nandoon padin po ba iyong Solid North na iyon?

BBM: Hindi, nandoon talaga. Nandiyan pa rin ang Solid North at ramdam na ramdam lalo na noong 2010 noong tumakbo ako bilang Senador. Kaya naman pagsisismula noong aking kampanya, ang una kong pinuntahan, umuwi ako. Nagpaalam at humingi ng suporta sa aking mga pinanggalingan na iyong mga kapwa Ilocano.

RS: Senator, iba rin po ang laban sa social media. Of course, iba iyong TV. Ngayon, grabe na rin ang social media, facebook and you know, twitter at laging makikita mo doon #NeverAgain. Alright, paano ‘ho i-aaddress ng kampo po ni Senator Bongbong Marcos iyong mga naglalabasang articles, na laging nababalik.

BBM: Kaya nga. Ako’y tumitingin sa kinabukasan. Ang nakaraan ay nakaraan na. Kailangan na nating pag-isipan kung ano ang maitutulong natin sa sitwasyon ngayon. Palagay ko ang inaantay ng tao ay hindi iyong, iyon na nga, iyong mga pinag-uusapan iyong nakaraan na, kung hindi, anong magagawa ninyo para mas maganda ang buhay namin? Ano ang gagawin ninyo sa mga iba’t-ibang sektor na naghihingalo? Iyan ang tanong ng tao. Sa palagay ko, mayroon naman akong mga sagot para diyan.

AC: Pag nabigyan kayo ng pagkakataon ano ang magiging portfolio, ano trabaho niyo bilang bise-presidente?

BBM: Well, kung tatanungin mo, siyempre siguro kung mayroon akong hihingin na portfolio, palagay ko, gusto kong makatulong sa DOLE.

AC: Labor?

BBM: Labor. Dahil ang pinaka malaking problema ngayon trabaho. At marami namang puwedeng gawin. Alam niyo iyong employment dito sa Pilipinas, nobenta pursyento sa private sector. Pero ang role ng public sector, ay paghanda. Mayroon tayong tinatawag na business driven na infrastructure. Ibig sabihin, magtatayo ang gobyerno ng insfrastructure para matulungan ang paghahanap ng, SMEs lalo, mga training, iyong mga pagbigay ng pa-utang, more on pa-utang para sa SMEs dahil sila talaga ang bumubuhay sa ating ekonomiya. Maraming-marami ang maaaring gawin para tulungan ang sitwasyon nga sa kakulangan ng trabaho dito sa atin ngayon. Kaya’t DOLE ang, siguro kung itatanong sa akin, iyon ang uunahin ko. Puwede rin siguro DOTC.

AC: Para maayos trapik?

BBM: Maaayos ko na lahat ng problema na nanggagaling sa DOTC. Marami tayong puwedeng gawin.

AC: Naudlot iyong Marcos 86 People Power Revolution. Mayroon bang programa ang tatay mo noon na hindi natuloy, na gusto mong ipagpatuloy ngayon? May mga nabanggit ba doon?

BBM: Lahat naman ng mga ginagawang project ay pinanggalingan niyan ay mga plano noong panahon pa ng aking ama. Siguro, puwede pa namang gamitin iyon pero siguro panahon na na wag na natin balik-balikan, iyong lumang plano. Gumawa na tayo ng bagong plano sa darating na sampung taon, darating na dalawampung taon. Kailangan long term ito dahil malaki ang problema. Hindi isang araw lamang ay maaayos na iyan. Kailangan dadahan-dahanin natin iyan, habang tumatagal ang panahon para makakita ng magandang resulta.

AC: Maraming salamat po, vice-presidential candidate, Senator Bongbong Marcos.

BBM: Thank you.

Back to Blog