Unahing pag-usapan ang mga isyu, mga solusyon sa problema ng taong bayan, hindi apelyido ko

Read the English version here.

Hinamon ni vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang mga kritiko na ginagawang election issue ang kanyang pagiging Marcos na pag-usapan ang nasabing usapin.

Subalit kahit na handang harapin ni Marcos itinuturing niyang non-issue na usapin, sinabi nito na ang mga problema ng mga Pilipino ang unang dapat na pag-usapan sa lahat ng mga talakayan hinggil sa pambansa at panlipunang kalagayan.

“Dapat unahin natin ang mga isyu na talagang iniisip ng ating mga mamayan araw-araw,” pahayag ni Marcos kanina sa live interbyu sa kanya sa programang “Umagang Kay Ganda” sa telebisyon.

Sinabi ni Marcos na ang pangunahing pinag-aalala ng mga Pilipino ay ang problema sa droga, mataas na presyo ng mga bilihin at graft and corruption samantalang ang family background niya ay usapin lamang ng mga pulitiko na tutol sa mga Marcos.

“Ang gustong nilang marinig ay mga solusyon sa problema sa droga, mataas ng presyo ng bilihin, ang korapsyon, ang kawalan ng trabaho, iyun ang mga pinag-aalala ng tao,” ayon kay Sen. Marcos.

“Dito sa Maynila, ‘yung trapik, MRT (Metro Rail Transit), pati na ‘yung telepono, pati na ‘yung mabagal na internet, unahin na muna natin ito dahil nag-aantay ang mga tao na umaasa sa gobyernong magbigay ng aksyong sa kanilang araw-araw na hinaharap na problema.”

Back to Blog