Ukay – Ukay Should Go to “Ondoy Victims”

Syndicate controls used clothing

Ilocos Norte Rep. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. called for the confiscation of all imported used clothing or ‘ukay-ukay’ that are sold in the market and place them to where they are meant to be used – as relief goods for calamity victims.

This, as Marcos challenged Customs Commissioner Napoleon Morales to enforce a crackdown on smuggling of second-hand or slightly damaged branded clothes.

Marcos revealed that a powerful syndicate is behind the smuggling of huge quantities of used clothes, shoes, toys and other items that are originally intended as donations to charitable institutions, but sold in flea markets.

The smugglers remain unnamed and scot-free, according to Marcos.

“Ukay-ukay items should not be sold, they should be given to victims of typhoon ‘Ondoy’ for free. If Morales is dead serious in his campaign against smuggling, he should destroy the syndicate of ukay-ukay,” Marcos said.

Marcos also disclosed that ukay ukay is being used as a business front for syndicates involved in the smuggling of drugs, jewelry and other contrabands into the country. He said he received information that these syndicates smuggle illegal drugs in the bundles of ukay-ukay clothing and sell the bundles of clothing dirt-cheap after retrieving the drugs.

“This (ukay-ukay) is a multi-million-peso business and smugglers benefit from this, not our poor countrymen. What’s so appalling is that these syndicates are making use of our poor countrymen so they can bring their contrabands into the country,” he said.

Marcos warned Morales that should he fail to stop ukay-ukay smuggling, he could face an inquiry in Congress, which may recommend the filing of administrative charges against him as well as his removal from office.

He also called on Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) chief Antonio ‘Bebot’ Villar Jr. “to do his job by working on the ukay-ukay smuggling industry.”

Sindikato sa Customs kontrolado ang ukay-ukay

UKAY-UKAY PARA SA BIKTIMA NI ‘ONDOY’

Relief goods o donasyon ang mga ukay-ukay o used clothing na nagkalat sa mga tindahan at hindi dapat ipinagbibili kundi ipinamimigay ito ng libre sa mga mahihirap at biktima ng mga kalamidad.

Ito ang ibinunyag ngayon ni Rep. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ng Ilocos Norte matapos na hamunin si Customs Commissioner Napoleon Morales na sugpuin ang malawakang smuggling ng ukay-ukay sa bansa.

Ayon kay Marcos, gamit ang mga pekeng organization o charitable institution, ang sindikato ay nanghihingi sa mayayamang bansa ng mga donasyon tulad ng used clothing, sapatos, laruan at iba pang gamit at palalabasing ipamimigay ito sa mahihirap na Pilipino o biktima ng sinalanta ng bagyo.

“Ang ukay-ukay ay hindi dapat ipinagbibili, ipinamimigay ito sa mga biktima ni Ondoy!  Kung talagang seryoso itong si Morales sa kanyang campaign sa smuggling dyan sa Customs, eh, di tapusin niya ang sindikato sa ukay-ukay,” galit na pahayag ni Marcos.

Ibinunyag din ni Marcos na isinasama o isinasabay sa ukay-ukay ng mga smugglers ang kanilang mga kontrabando tulad ng illegal drugs, alahas, at iba pang mamahaling bagay para madaling makapasok sa Pilipinas.

“Multi-million peso business ang ukay-ukay at ang nakikinabang dito ay mga smugglers at hindi ang mga mahihirap nating kababayan. Ang nakakagalit pa nito, ang mahihirap nating kababayan ang idinadahilan para madali nilang maipasok ang kanilang mga kontrabando,” pahayag ni Marcos.

Binalaan ni Marcos si Morales na kung hindi nito susugpuin ang malawakang smuggling sa ukay-ukay, kanyang itong ipatatawag sa Kongreso at kakasuhan para masibak sa kanyang puwesto.

“Ang PASG sa pamumuno ni Bebot Villar ay dapat kumilos din para mahinto na ang ukay-ukay smuggling,” dagdag pa ni Marcos.

Back to Blog