TV Interview with Howie Severino and Kara David on GMA News to Go

Kara David: Magandang umaga po Senator

Sen. Bongbong: Magandang umaga, magandang umaga sa mga nanononood.

David: Itong Bangsamoro Basic Law hindi natin maikakaila na nalagay ito sa lime light dahil sa Mamasapano incident, pero bago mangyari yung Mamasapano may mga problema naba na kinakaharap itong BBL kaya hindi siya maipasa-pasa?

Sen. Bongbong: Yung mga nababanggit ngayon at usapan ngayon tungkol sa mga Constitutional Infirmities kung tawagin ay talagang andyan na ‘yan at pinag aaralan na naming husto. As a matter of fact nung Enero palang ay hiningi ko na sa Senate President na isama ang mga committee na nag aaral at nag didinig dito sa BBL ng Senado ay isama yung committee ni Senator Miriam para dun sa… Ang committee ay Constitutional amendments at siya’y magaling na abugado, siya’y magaling na judge, at etc. so sabi ko dapat mapunta sa kanya para mapag aralan ang kung ano ba talaga ang dapat gawin sa mga sinasabi na Constitutional na problema at syempre ang sinasabi nang isang panig walang hindi kailangan nang amendment nang constitutional amendment at sinasabi naman ng iba ay kailangan kaya’t unconstitutional ngayon ang BBL. Kaya’t dapat ay pag aralan.

David: Nung nangyari po yung Mamasapano mas dumami ba ang agam-agam ninyo tungkol dito sa panukalang batas na ito?

Sen Bongbong: Hindi, and para sa akin ang nangyari sa Mamasapano ay nakita natin kung paano nagging problema para sa akin kaya nagkaroon ng hearing pagkatapos ay malaman kung bakit ang tagal nung, bakit ang tagal nang cease fire, dahil yung putukan nang Mamasapano linggo ng umaga nagsimula mga alas kwatro nang umaga, alas kwatro imedya. Yung cease fire na institute lang yung cease fire mga 4 o’clock, 5 o’clock pm nang linggo, so halos 10,11, 12 hours ‘yun ang haba-haba nun, kung pwedeng iksian yung… halimbawa, nagka encounter meron namang mekanismo dapat ‘yan ‘di nag usap-usap na dapat ‘yan natigil kaagad ang putukan before 12. Marami pang nabuhay dun sa SAF… marami pang  nabuhay dun sa MILF.

David: So anong naging epekto nito sa BBL na parang kinukwestyon niyo ang sincerity ng MILF?

Sen Bongbong: Hindi ang naging talagang… unang una kaya naming sinuspende na para malaman kung ano ba talagang nagyari dahil kung ang MILF ay inatake yung ating mga pwersa ng government forces ay paanong magkakaroon tayo ng peace agreement ginegera nyo pa, in turns out lumabas namen sa aming mga hearing na hindi naman ganun ang nangyari pero kailangan bago namen ituloy ang usapan ay kailangan malaman namen kung ano ba talaga ang nangyari so slowly yung mga detalye tungkol sa massacre sa Mamasapano ay lumalabas na at kausap nga naten ang mga pulis yung mga kasama na AFP na pinasama sa operation na ito na dahan dahang lumalabas ang mga detalye at ang naging… yung mga reaksyon ko sa mga findings sa Mamasapano hearings ay sabe ko ito nga siguro ang dapat nating pag-aralan itong ceasefire mechanism para sa ilagay na natin sa BBL yung sistema at mekanismong mabilis at mabilis na natigil ang putukan pagka nagka- inkwentro ulit.

Howie Severino: Ok so pinasuspende nyo nga ang proceeding sa BBL dahil nga sa Mamasapano, ngayon mukhang nagre-resume na so in other words medyo kuntento na kayo sa mga naging kasagutan dito atsaka may mga kondisyones den ‘no. May mga conditions den yung mga ibang mga mambabatas para i-resume yung proseso, kaylangan I-surrender yung mga suspects, i-turnover yung mga baril na nawala, cellphone, mga ibang possession pa nila.

 

Sen BongBong: Yung ibang mambabatas na ganun nga ang sinabi na hindi namin itutuloy ang usapin sa BBL kung hindi mangyari ang mga ito itong mga bagay na ito. Pero nawala naman yun dahil kahit hiningi natin ang mga pagbalik ng armas, binalik yung mga armas pero ilan lang sira sira pa, sira sira na pala at tapos yung tumulong sila para sa paghuli kay Usman.

David: Hindi ba nadadagdagan yung sincerity ng ilan dahil napatay nga nila si Usman ?

 

Sen BongBong: Pero hindi pa maliwanag yung role ng MILF dun sa pagpatay kay Usman dahil contradictory ang mga… iba yung mga lumalabas na report, yung report ng AFP ay sinabing tauhan talaga nila so hindi masabi hindi ma claim ng MILF na sila ang nag operate na sila ang nag hamon dun kay Usman kaya’t hindi pa maliwanag but anyway yung mga conditions na iyun na syempre siguro sa init ng panahon kung anu anong mga conditions ang nilagay pero….. ang nangyari kahit hindi naman natupad ang mga sinasabing conditions ay tuloy na rin yung hearings at ako naman wala naman akong sinasabing conditions yung mga conditions na narinig natin galing sa house yun dun sa senado sinabi lang naming kailangan natin malaman ang katotohanan sa Mamasapano kung itoba ay mayron tayong matututunan para maidadagdag natin sa BBL para hindi na mangyari ang kagaya kagaya ng Mamasapano.

David: Kunwari hindi nangyari yung Mamasapano incident meron bang mga provisions dito sa BBL sa palagay nyo na medyo kaduda duda at anong mga specific provisions po na medyo alanganin kayo.

 

Sen BongBong: Yung akin akin yung mga merong mga problema sa administration dahil aking ka-meeting ang OPAP kahapon, agad naming pinagusapan ito ay papaanong gagawin dun sa mga LGU na lkasama sa plebisito at pag sila’y bumoto na sa Bangsamoro paanong gagawin natin sa kanila, hindi naman sila naka dirit sa Bangsamoro territory, so nasang probinsya tuloy sila, anong bayan ngayon sila, papaano ang serbisyo ng gobyerno na papaabutin sa mga lugar na ‘yon. Hanggang ngayon hindi pa naming malaman kung ano ba yung magiging  sistema.

David: May mga ilang Local Governments na umaalma na parang tila ang laki naman dawn g pabor na nakukuha, interms of taxes, pera, revenue na makukuha nitong Bangsamoro entity kung saka-sakalin compared to other Local Governments. 

Sen. Bongbong: ‘Yun, isang malaking bagay ‘yun na lumabas, actually ‘yan lumabas noon pa ‘yan eh. Dahil hindi lamang dun sa black grant na tinatawag na lampsom na binibigay ng National Government, bilyon-bilyon ‘yun eh malaki ‘yun at bukod pa dun yung mga shares sa National wealth na tinatawag, pagka meron daw mahahanap na mineral na kayamanan either sa dagat o sa Bangsamoro territory, hundred percent ang sharing ng Bangsamoro, eh sa pangkaraniwang LGU 30% lang at dadaan pa sa National Government bago e re-remit three years later sa Local Government. Sa kanila direct remittance, so papaanong nangyari ‘yun.

David: Ang sabi kasi nila, well sinasabi ng ilang eksperto sa Islamic studies, ang tagal naman nang napag iwanan nitong Bangsamoro entity na ito, so it’s just right na ibigay naman daw sa kanila itong Natural Resources. 

Sen. Bongbong: Totoo naman ‘yan, pero hindi ba kung napag iwanan sila, hindi sila inalalayan, hindi sila tinutulungan, dapat, para natin ayusin ang problema na ‘yun mag commit ang Manila government sabihin, “Ok, mula ngayon mag lalagay tayo ng malaking programa para sa pag develop ng Muslim areas sa Mindanao.” Balik tayo dun sa kaisa-isang matagumpay na peace agreement yung tripoli agreement. Yung tripoli agreement, don nilagdaan don sa tripoli at nagkaroon ng dalawang Autonomous region, nung panahon pa nang aking ama. Pero hindi lamang yung pag pirma doon sa agreement. Ang kasabay nun ay massive development  sa Mindanao. Lahat ng National highway, lahat ng mahahabang highway na nasa Mindanao ngayon, yung panahon na ‘yun, dun nilagay ang mahahabang kalsada, mga tulay, mga eskwelahan, mga ospital. Lahat ng mga infrastructura na para mapabilis ang development ng Muslim Mindanao, kaya’t siguro ang reklamo ng ating mga kapatid na Muslim na hindi nga sila pinapansin, at hindi sila tinutulungan, hindi sila dinedevelop nang gobyerno sa Maynila, dapat ang sabihin natin, mula ngayon ‘yan ang pagbabago, ang Maynila ay papansinin na kayo, ngayon magiging priority kayo pero galling sa Maynila.

David: Hindi yung kumbaga mas malaki yung share nila compared to other Local Governments.

Sen. Bongbong: Dapat pare-pareho lahat, pero yung Maynila may special yung sasabihin ng Central Government ditto ay, “teka, napag iwanan natin yung Muslim Mindanao, kaya’t kung may priority, e priority natin sila, kng may pondo, dun natin dalhin. Pero, para nga masagot natin yung reklamo n gating mga kapatid na Muslim na hindi niyo kami tinutulungan, ito na, ito ang pag babago sa Muslim Mindanao.

Howie Severino: Okay balikan nga natin itong kasaysayan, nabanggit mo nga yung Tripoli agreement nung panahon nga ng iyong ama yung dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. napagaralan mo ba yung mga panahon na un at paano tinugunan ng iyong ama itong problema, nabanggit mo ngayung Tripoli agreement sabi mo nga part of that agreement is giving massive development funds na sinasabi mo yun nga yung kulang so bakit may problema pa hanggang ngayon kung nagkaroon na ng Tripoli agreement noon at sabi mo nga  na nagkaroon na ng infusion of development of funds so mukhyang hindi nag work yung approach na un.

Sen BongBong: Hindi, ang nangyari sa .. nung nagbago yung gobyerno nung 1986  binaliwala yung tripoli agreement hindi tinuloy ang mga usapan dahil mayroong mga kondisyon din dun may face din yan magkakaroon nga ng… i-organize nga yung dalawang autonomous region tapos susunod dun yung commissioning lahat ng mga ano..

Severino: So all the things that should be happening now ay dapat nangyari noong 1976 kasi yung Tripoli agreement ay 1976?

Sen BongBong: Yung dapat mangayri na nandun na nakalagay  sa Tripoli agreement nung.. over the years dapat yan ang pag implement ay yun na nga nung 1986 ay wala na nga natigil na lahat ng yun so parang hindi na pinansin.

Severino: So in other words kung hindi naganap yung 1986 EDSA People Power Revolution ay maaring may kapayapaan na tayo ngayon sa Mindanao?

Sen BongBong: Well mula nung 1976 hanggang nung 1986 wala ng laban wala ng patayan mayroong mga ing-kwentro pa pero hindi na kagaya nung dati na set peace na talagang bata-batalyon..talagang open war at marami talagang casualties pero ganun ang nagyari kaya naman nagkaroon ngayon ng bagong agreement nung 1996 naman yung Jakarta agreement  pero ito ang kausap na is already the MILF dahil yung Tripoli agreement MNLF pa lang wala pang MILF  nun. So ang MNLF yun ang kausap ng gobyerno ngayon MILF naman ang kausap naman ng gobyerno so isa sa problema na nakikita namin ano nagyon yung mangyayari sa Jakarta agreement, ng MNLF sa gobyerno tinatanong nga ng mga kaibigan natin sa MNLF sa gobyerno kung ano ngayon ang mangyayari sa amin, yung agreement namin un basta na lang bang itatapon na ang ba yun o yung pinagusapan naten parang wala tayong pinagusapan kaya naman nagrereklamo si Nur Misuari at sinasabing parang binalewala yung MNLF kaya nagkagulo sa Zamboanga, kaya’t nagka bombahan at kung matingnan nyo yung every step of the way ng BBL ng unang pinirmahan yung framework agreement nagkaroon appraising sa Zamboanga nung nabuo yung draft BBL nag bobombahan, nagpaparamdam sila pansini nyo kami at mayroon kaming..may pwersa pa kami at may hawak kaming agreement na hindi nyo tinutupad, so yun akaya isa to… wala sa BBL yan hindi problema sa loob ng BBL yan pero sa konsepto ng framework agreement kaya’t yung mga prinsipyo na assumptions na ginawa nila para isulat yung BBL ay kailangan den natin pagaralan at kung papaano ba talaga ang relasyon ng ibat-ibang agreement, ng mga ibat ibang grupo kung papaano sila magiging kasama at kasapi dito sa peace program.

Davila: Senator kapag tiningnan mo yung sa House of Representative, you get the feeling na parang they’re running after a deadline na parang gusto nilang matapos na at para mapagdesisyunan na itong BBL, yung sa Senado your wrapping up your hearings mayroon bang pressure o gaano ba katindi ang pressure from the palace na ipasa itong BBL atleast before the President’s term ends?

Sen BongBong: Well mayroonsilang madalas na sinabi na by June 30 na matapos and that was the first dealine pero ang session namen ends by June 11 so para sa akin ganito ang sinasabi ko parang sinasabe ng ng palasyo n asana matapos this day pero kung matapos naming that day mabuti, pero kung hindi pa tapos hindi naming pwede madaliin ito dahil napaka importante kung madaliin naten sabihin naten, o sige itigil na lahat ipasa na natin hindi… it will not work the BBL will not work pag I challenge yan sa Supreme Court  ma strike down na, wala na naman tayong agreement kaya’t kailangan talaga na mabusisi ang pagaaral at talagang pagisipan nating mabuti dahil ang ginagawa natin ditto ay nagtatayo tayo ng pamahalaan r4egional government na sa buong kasaysayan ng Pilipinas hindi pa tayo nagkaroon ng ganyan, We had never a regional government siguro yung ARMM ang pinaka malapit pero iba itong ginagawa sa BBL dahil parliamentarty, ministerial maraming pagbabago and then there are those constitutional informaties na kaylangan pa rin talagan ayusin, there are the economic provisions yun nga tungkol sa black run tungkol sa national wealth sharing kaylangan tingnan natin ng mabuti iyon baka may kailangan baguhin mayroong mga political issues dahil yung tinatawag na power sharing between the central government and  the Bangsamoro government hindi pa malinawang how will that work, kung papaano ba ang maging relasyon ng central government dun sa Bangsamoro.

David: Pero ang tanong ngayon lalo na ng taga Mindanao lalo na ng mga nakaranas na at sawang sawa na gyera naang dami ng namatay kapag hindi maipasa ang BBL before 2016 may pagasa pa ba ang kapayapaan, may pagasa pa abng maipasa ito saibang administrasyon?

Sen BongBong: Bakit hindi? Basta’t ang lagi nating inisip ay ang proseso ng kapayapaan kung yung BBL wether it succeeds kahit na maging matagumpay yan kung if it fails ibang bagay iyan pero ang dapat hindi natin tigilan ay ang proseso ng kapayapaan dahil ako naman ramdam na ramdam ko na yung mga kausap namen na negotiator ng peace panel ng  MILF mukhang tapat naman na sila na nagsawa na sila sa gyera at naghanap talaga sila ng paraan na matigil na ang gyera at the same time makuha naman nila yung kanilang dapat makuha lalo na sa muslim areas.

Severino: Ano ang magiging papel o pano maging factor yung BBL sa 2016 elections kaya? I’m sure iniisip yan ng mga ibang gustong kumandidato lalo na sa Mindanao kung ano yung posisyon mo.

Sen BongBong: Siguro kung magiging issue, im not sure kung magiging issue pero kung magiging issue ang tanong sa mag kokongresista ano ang buto mo, kung ayaw ng tao yan sabhin ayaw namin sa BBl kung bumoto ka ng pabor kontra sayo yun vice versa, kung gusto nila at pabor sa kanila that’s a plus kaya’t maaring maging issue dahil sa ngayon unfortunately nakakalungkot sa ngayon nawala talaga ng tiwala ang taong bayan din a bale sa BBL sa MILF pero sa proseso ng kapayapaan yun ang nakakalungkot yan ang isa sa nagging trahedya ng Mamasapano.

Davila: But do you think it is still possible?

Sen BongBong:  I think the peace process should continue, pag tinatanong sa akin papasa ba ang BBL, pag umiikot ako tinatanong saakin, ang sagot ko sa draft BBL na binigay sa amin ng pangulo hindi papasa sa house of representative at hindi papasa sa Senado kaya ang trabaho naming ayusi ang BBL para pumasa dahil hindi namin ginalaw yan ako’y tiyak na tiyak na hidi papasa sa kahit na lower house o upper house.

Severino: Okay, nabanggit na rin yung 2016 elections may plano ka naba?

Sen BongBong: Marami, Maraming plano. Swerte akong tao dahil marami akong options syempre nababanggit na tumakbo ako for higher office at ako nama’y talagang nagpapasalamat sa mga nagpapaabot sa akin ng suporta at ini-encourage nga ako na ikaw ang dapat na pumasok dyan pero para sa akin ibang klase ang nangyre sa election na ito kung nung nakaraan 2010 election one year before ng election maliwanag na kung sino ang kandidato, kung ano ang mangyayari ngayon hindi tlaga maliwanag mahirap magdesisyon tungkol sa malaking bagay na ganyan.

Davila: Pero hindi nyo po sinasara ang inyong pinto? For higher office Vice President or President?

Sen BongBong: Lagi kong paulit ulit kong sinasabe yung payo ng aking ama sa akin lagi nyang sinasabe sa akin noon ay Always keep your options open. At yan ay gagawin ko, ako’y magtatrabaho at maghahanda na kung ano man ang mangyare sa 2016 atleast handa ka o yun ang aking gagawin for the rest of this term.

Davila: All right, Maraming Salamat po Senator BongBong Marcos, Chairman ng Committee on Local government

Sen BongBong: Thank you.

Back to Blog